Erwan may 2 bagay na palaging ipinaaalala kay Anne ngayong may anak na sila | Bandera

Erwan may 2 bagay na palaging ipinaaalala kay Anne ngayong may anak na sila

Ervin Santiago |May 05,2021
facebook
share this

Erwan may 2 bagay na palaging ipinaaalala kay Anne ngayong may anak na sila

Ervin Santiago - May 05, 2021 - 01:13 PM

ALIW na aliw ang mga fans and supporters ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa kanilang “laglagan” session sa social media.

Sumabak kasi sila sa “Who’s Who” challenge kung saan isa-isa nilang sinagot ang tanong na may kinalaman sa kanilang pagsasama bilang married couple.

Sa nasabing video, maraming pinakawalang rebelasyon sina Anne at Erwan kabilang na nga riyan kung sino sa kanila ang gumawa ng first move para makilala ang isa’t isa.

“I don’t remember,” sagot ni Erwan. Natatawa namang hirit ni Anne sa kanyang mister, “Admit it.”

Mukhang na-pressure naman si Erwan kaya napilitan din siyang umamin, “I think yeah. I did the first move.”

Sumunod na tanong sa celebrity couple, sino ang mas clingy sa kanila. Sagot ni Erwan, “I would say no one. You were clingy when you were pregnant. And then you’re not clingy.”

Umayon naman si Anne sa sinabi ng asawa, “We’re not clingy people.”

Pareho namang mahilig magbigay na pa-surprise ang mag-asawa sa isa’t isa. Sey ng TV host-actress, masayang-masaya na siya kahit sa mga simpleng sweet gestures ni Erwan.

“Each time he makes a video, I mean I don’t know if I should expect them, but every time he spends so much time editing his videos for me.

“Or even as simple as making a surprise breakfast or surprise lunch that I didn’t expect, you know, I’m always so happy,” chika pa ni Anne.

Samantala, nabanggit din ni Erwan na siya ang palaging nagpapaalala ngayon kay Anne na mag-effort para mas maging fit and healthy lalo na ngayong mga magulang na sila.

Lahad ng vlogger-businessman, “I’m probably the one who encourages her the most. And I try to just remind her to do some workout or eat healthy.

“She likes to eat food in general. So, I just try to remind her to kind of eat the right stuff especially since we have a kid now. We have to give a good example,” dagdag pang pahayag ni Erwan.

Reaksyon naman ni Anne sa sinabi ni mister, “‘Cause I’m always indecisive (pagdating sa pagwo-workout at pagkain nang healthy food.”

Sa tanong naman kung sino sa kanilang mag-asawa ang nagdedesisyon kung anu-ano ang mga dapat nilang kainin for the day, si Erwan uli ang unang sumagot.

“I always know what I want to eat. She never knows what she wants to eat. So a lot of times I give her a deadline to decide.

“So if she can’t make up her mind within 30 minutes, I end up eating what I want to eat. Then bahala siya,” pagpapakatotoo pa ni Erwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumalik sa Pilipinas sina Anne at Erwan last February kasama ang anak nilang si Baby Dahlia makalipas ang isang taong pananatili sa Australia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending