Sulat mula kay Gene, ng Barangay Pantar, Kolambugan, Lanao del Norte
Problema:
1. Malapit na akong mag-18-anyos pero nakalulungkot na wala pa akong girlfriend. Lahat ng dabarkads ko ay may girlfriend na at ang iba’y mag-aasawa na next year. Crush ko ang isang babae sa school, pero hanggang hanga lang ako sa kanya dahil nahihiya ako.
2. Sakaling ligawan ko siya, pagbigyan kaya niya ako? Pero, parang mahina ang loob ko na ligawan siya. Compatible kaya kami kung ipaglaban ko ang aking nararamdaman sa kanya? Ipinanganak siya noong Dis. 15, 1993. Ang birthday ko at August 11, 1995.
Umaasa,
Gene, ng Barangay Pantar, Kolambugan, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing crush mo ang nagsasabing compatible kayo, kaya sa sandaling nilakasan mo ang iyong loob na maipabatid sa kanya, sa anomang paraan ang iyong damdamin, tiyak ang magaganap susuwertehin ka sa Paskong ito, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing katugma mo rin sa Numerology ang babaing crush mo. Kung saan, sa sandaling kayo ay magkaroon ng relasyon, isang romantiko at masayang samahan ang mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang mag-succeed ang iyong plano na maging GF ang babaing crush mo lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Sa nasabing kulay, wala siyang magagawa kundi ang kusa ka na rin niyang magustuhan.
Huling payo at paalala:
Gene suwerte ka sa panahong ito sapagkat ito na ang simula upang matupad ang mga pangarap mo lalo na sa love life. Tulad ng nasabi na, sa buwan ding ito magiging girlfriend mo na ang classmate mo na crush na crush mo, upang minsan pa sa sandaling naging magkasintahan na kayo, mabubuo ang maligaya at panghabambuhay na relasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.