Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary tumoma muna bago nakipag-love scene kay Jerald
ABALA lang sa pagpo-post ng sexy photos niya sa kanyang Instagram account at travels sa iba’t ibang bansa ang Viva talent na si Sunshine Guimary.
Pero noon pa ay pangarap na niyang maging artista at sa katunayan ay naging FHM model na siya kaya naman nang nadiskubre siya ng Viva Artist Agency sa pamamagitan ng Instagram ay go agad siya sa pagpirma ng kontrata.
Ang bilis ng pangyayari sa buhay ni Sunshine base sa kuwento niya sa virtual mediacon para sa launching movie niyang “Kaka” kasama sina Ion Perez at Jerald Napoles na idinirek ni GB Sampedro.
Pandemya nang lumuwas siya ng Maynila para sa shooting ng “Kaka” at aminadong wala siyang alam tulad ng mga terminong blocking, sequence breakdown, take, cut at iba pa kaya talagang nagtatanong siya. Mabuti na lang daw at pasensyoso si direk GB.
Pinasalamatan din ni Sunshine ang mga kasama niya sa pelikula na sobrang inalalayan siya tulad nina Gina Pareño, Maui Taylor, Giselle Sanchez, Andrea del Rosario, Jackie Gonzaga, Debbie Garcia, Juliana Parizcova at Rosanna Roces kasama pa ang dalawa niyang leading man.
“Sa dramahan kering-keri. Siguro sa bed scene medyo nanibago kasi siyempre sanay lang ako sa IG, sa YouTube sa movie kasi siyempre dapat ibuhos mo na, kaya gusto kong maibigay yung kailangan sa character na si Kaka.
“Challenging sa part na ’yon kaya I’m so thankful na nabigay ko naman siya kahit paano,” sabi ng baguhang sexy star.
Anyway, sex guru sa radio ang karakter ng dalaga sa “Kaka,” dahil galing siya sa angkan na ang mga babae ay isinumpang magiging salat pagdating sa sex.
Kaya ang naging misyon niya sa buhay ay mahanap ang lalaking makakapagpaligaya sa kanya, hindi lang sa buhay kundi lalo na sa kama.
Nabanggit pa ni Sunshine na dahil may bed scene ay nag-request siya ng alak sa direktor nila.
“I remember nag-request ako kay Direk ng one bottle talaga. I remember nu’ng una bago mag-take kasi alam ko na bed scene na ’yong gagawin and I know grabe kaimportante ’yong part na ’yon sa isang sexy movie.
“Ngayon papalapit na nang papalapit ’yong time, parang bigla akong kinabahan and sabi ko, ‘Wait lang. Bakit ba ako nagkakaganito?’ Kasi ’yon nga, alam ko na ’yong mangyayari the next scene kaya nag-request talaga ako ng isang bottle of drinks para makaya ko ’yong magaganap,” natatawang kuwento ni Sunshine.
Ang nasabing eksena ay ang steamy scenes nila ni Jerald kaya naman pala mega-selos si Kim Molina at kailangang ipa-explain pa kung bakit kailangan ito base rin sa kuwento ng aktor.
Anyway, mapapanood ang “Kaka” sa Mayo 28 sa Vivamax at sa mga wala pang subscription ay available ito sa online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store or Apple App Store.
* * *
Todo ang puri ng Hollywood producer na si Dean Devlin at ang Amerikanong aktor na si Christian Kane sa kanilang mga nakatrabahong Pilipino sa “Almost Paradise,” ang international crime drama series na umeere tuwing Linggo sa Kapamilya Channel at A2Z.
Sa panayam sa “TV Patrol” noong Martes (Abril 27), sinabi ng producer ng mga sikat na pelikulang “Independence Day” at “Godzilla” na hangarin nila sa “Almost Paradise” na maipakita ang husay at kakayahan ng Pilipino.
“Our hope with our show is to not only make a show that people enjoy and show the Philippines in a light that I think is necessary, but also to expose this incredible talent,” ani Dean.
Proyekto ng Electric Entertainment ni Dean at ng ABS-CBN ang “Almost Paradise,” ang kauna-unahang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas. Tampok din dito ang mga Pilipinong aktor at maging mga tao sa likod ng kamera ay mga Pinoy.
Maski ang bida ng palabas na si Christian ay maganda ang karanasan sa kanilang shooting sa Cebu bagong ang pandemya, kung saan naging malapit ang lahat sa isa’t isa.
“We became a family so quick and I’m not talking about just the actors. I’m talking about every single person on that set. This is one of the best crews if not the best crew we’ve ever worked with. Maraming salamat, Kapamilya,” sambit niya.
Samantala, mas tumitindi pa ang aksyon sa “Almost Paradise” na nasa ika-pitong linggo na. Sa darating na episode, biglaang bibisita kay Alex (Christian) ang tiyuhin niyang si Danny, isang manggagantso na siyang nagpalaki sa kanya at nagsama sa kanya sa iba-ibang modus.
Gaganap bilang Danny ang isa pang tanyag na artista mula sa Amerika na si Richard Kind, na nakilala sa mga sitcom na “Mad About You” at “Spin City.” Siya rin ang nagboses kay Bing Bong sa “Inside Out” at kasama rin siya sa iba pang sikat na animated films tulad ng “Toy Story 3,” “A Bug’s Life,” at “Cars.”
Nagbago na raw siya at nais lamang bumawi kay Alex kaya siya naroon pero malakas ang kutob ng dating U.S. secret agent na may ibang dahilan kung bakit siya napadpad sa Cebu. Samantala, pinaghahanap naman ng mga detective na sina Ernesto (Art Acuña) at Kai (Samantha Richelle) ang isang indibidwal na nagpapakalat ng pekeng pera. Mayroon ding isang tirador ang nagmamatyag sa kanilang paraisong isla.
Malaman kaya ni Alex ang lihim ni Uncle Danny at matulungan ang mga kaibigan sa bagong kaso? Abangan ang mga sagot sa episode na idinirehe ng Filipino-American filmmaker na si Francis Dela Torre. Tampok din dito ang mga Pilipinong aktor na sina Noel Trinidad, Richard Yap, Poppert Bernadas, Miguel Vasquez, and Rebecca Chuaunsu.
Manood ng “Almost Paradise” ngayong Linggo, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.