Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda Bandera

Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda

Ervin Santiago |April 26,2021
share this

Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda

Ervin Santiago | April 26,2021 - 01:12 PM

BINALAAN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang publiko, lalo na ang kanyang fans, laban sa mga doktor na nagsasabing niretoke ng mga ito at kanyang ilong.

May nakarating kasi sa tinaguriang Queen of Creative Collaborations na may mga cosmetic surgeon umano na gumagamit sa pangalan niya para makakuha ng pasyente o kliyente.

Ayon sa misis ni Chiz Escudero, may isang netizen ang nag-post sa social media na ang doktor daw na magreretoke sa kanya (rhinoplasty) ang gumawa umano sa ilong ni Heart.

“The doctor who did Heart Evangelista’s nose is going to do mine. I am so EXCITED,” ang tweet ng nasabing netizen na deleted na ngayon.

Tinanong naman ng “I Left My Heart In Sorsogon” actress ang nasabing Twitter user na sabihin sa kanya ang pangalan ng doktor at pinayuhan pang kasuhan ito dahil sa pagsisinungaling.

“Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you. Please give me the name. You can actually sue him for lying to you,” pahayag ni Heart sa kanyang Twitter page.

Aniya pa, “To anyone who claimed the same to you, please message me their names. This is horribly wrong. To lie to you about this is just so wrong.

“I’d rather a rumor than someone actually claiming they did my nose (I did not),” dagdag pa ng aktres.

Sa isa pa niyang social media post, ipinagdiinan ni Heart na wala pa siyang ipinareretoke sa kanyang mukha kaya maliwanag na fake news ang ipinagkakalat ng nasabing doktor na ito ang nag-opera sa ilong niya.

“To anyone out there who wishes to get cosmetic surgery — I am for making yourself a better version, but DO NOT BELIEVE if they said they did my face — for the record, I didn’t.

“(Probably) when I’m older and ‘di na kaya tiisin, I don’t mind doing some procedures and I will refer (someone) who is good,” dagdag pang chika ni Heart.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagdenay ang aktres tungkol sa pagpaparetoke. Sa isa niyang Instagram post mariing itinanggi ni Heart na produkto ng siyensiya ang kanyang itsura ngayon.

“I have never done anything to my face. My eyes, nose, etc., were made by God, I swear. I have nothing against it. In fact, I am for it if ikagaganda mo.

“I just hate the idea that some people think I am lying. I also scar very bad so that freaks me out — knowing when I’m much, much older, how will I do some work?” sey pa ng leading lady nina Richard Yap at Paolo Contis sa upcoming Kapuso series na “I Left My Heart In Sorsogon.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending