Alice aprub sa akting ni Claire Castro sa Nagbabagang Luha; Thea hindi pinababayaan ng GMA | Bandera

Alice aprub sa akting ni Claire Castro sa Nagbabagang Luha; Thea hindi pinababayaan ng GMA

Ervin Santiago |April 22,2021
facebook
share this

Alice aprub sa akting ni Claire Castro sa Nagbabagang Luha; Thea hindi pinababayaan ng GMA

Ervin Santiago - April 22, 2021 - 10:23 AM

BIBIGYANG-BUHAY ng promising Kapuso actress na si Claire Castro ang role noon ni Alice Dixson sa much-awaited TV adaptation ng ’80s blockbuster movie na “Nagbabagang Luha.”

Gaganap si Claire as Cielo Ignacio, ang mapusok at palaban na kapatid ni Maita Montaire na gagampanan naman ni Glaiza de Castro. Makakasama rin nila sa bagong Kapuso seryeng ito sina Rayver Cruz, Mike Tan at Gina Alajar.

Inilabas na rin ang trailer ng “Nagbabagang Luha” kung saan mapapanood ang iconic scene nina Alice at Lorna Tolentino na gumanap noon bilang sina Cielo at Maita.

Aprubado naman kay Alice ang patikim na akting ni Claire sa TV remake ng classic film nila ni LT, “Naaalala ko kung gaano ka-intense ang eksenang iyon.

“Pero dahil alam ko na napaka-talented mo Claire, you’re such a talented girl. I believe na mas kaya mo pang gawing mas intense ang eksenang iyon,” pahayag ni Alice na malapit na ring mapanood sa isa pang upcoming GMA drama na “Legal Wives.”

Ang eksenang tinutukoy ni Alice ay ang pagmamakaawa ni Cielo na huwag kunin sa kanya ni Maita si Alex (Rayver) dahil ikamamatay raw niya ito. Mariin ay may pagbabanta naman siyang sinagot ni Maita ng, “Ipalilibing kita.”

Mas marami pang matitinding eksena pa ang dapat abangan sa pagitan nina Maita at Cielo sa pinakaaabangang GMA Afternoon Prime series na “Nagbabagang Luha.”

* * *

Mula nang tanghalin siyang “Protégé” grand champion noong 2012, sunud-sunod na ang acting projects ng Kapuso actress na si Thea Tolentino.

Kaya naman, thankful siya sa GMA Network dahil kahit na may pandemic, hindi pinabayaan ng istasyon ang kanyang career.

Pahayag ng dalaga at pambatong kontrabida ng GMA, “Sobrang swerte ko and sobrang happy ako na mula noong nanalo ako sa Protege, sunud-sunod ‘yung mga naging projects ko.

“Talagang mas nahasa ko pa ‘yung craft ko, iba pa rin ‘yung nagagamit mo ‘yung natutunan mo and skills mo sa trabaho mismo and sobrang thankful ako sa GMA for always trusting me with very amazing shows and roles. Sobrang blessed!” sey pa ni Thea.

Isa ang dalaga sa mga bibida sa upcoming GMA drama series na “Las Hermanas”kung saan makakatrabaho niya ang beteranong aktor na si Albert Martinez at mga kapwa Kapuso stars na sina Yasmien Kurdi at Faith Da Silva.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huli siyang napanood sa very successful GTV primetime soap na “The Lost Recipe” na pinagbidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending