Marvin umayaw sa teleserye: Hindi ko naramdaman na yun ang gusto ng puso at kaluluwa ko
COOKING o acting? Yan ang isa sa mga tanong na diretsahang sinagot ni Marvin Agustin sa isa niyang panayam kamakailan.
Mahigit dalawang taon na ring napahinga ang actor-businessman sa larangan ng pag-arte at sinabi nga niya na hindi siya nagmamadaling bumalik sa harap ng mga camera.
Ayon kay Marvin, mas nais muna niyang pagtuunan ng pansin ang passion niya sa food business at isantabi muna ang kanyang showbiz career na naging buhay na niya sa loob ng napakaraming taon.
“I would say, especially right now, cooking more than acting. But it doesn’t make me less passionate about acting. It’s just that yun yung natural environment ko ngayon talaga,” pag-amin ni Marvin.
Sey ng aktor, marami pa rin siyang natatanggap na offer sa showbiz, “There was actually this offer for me to do this project. Parang go na go ako supposedly for acting and being in a series again.
“It’s just that parang hindi ko naramdaman na yun yung gusto ng puso ko at kaluluwa ko,” sey pa niya.
“Pero dahil sa nangyayari sa atin ngayon, kung hindi rin nararamdaman na gusto mo gawin, parang you kind of take it na alam mo na ano yung importante at anong valuable talaga ngayon because of all these things that happened to us.
“Oo-ohan ko na sana yung project but it didn’t feel right. Parang inoohan ko siya dahil gusto ko lang gumawa and not because it is the right project for me. And ganu’n ko siya kamahal na tumatanda na ako, eh. Parang ilang TV shows,” dire-diretsong chika ng aktor sa “Live With G3” sa Instagram.
Samantala, binalikan din ni Marvin ang phenomenal loveteam nila ni Jolina Magdangal na isa sa pinakamabentang tambalan noon sa ABS-CBN na humataw sa takilya at telebisyon.
“Yung relationship with Jolina it was definitely deeper than just us working together. Kasi nung nag-start ako mag-artista, Jolina was already Jolina at that time.
“It was a privilege for me to be working and be paired with her. Buo na yung image at personality niya. It was actually parang accidental yung love team nun kasi in one of the spiels in ASAP, parang pinagsama kami sa isang spiel and we instantly clicked.
“Parang magandang yung chemistry, yung batuhan namin ng lines. And I was doing Gimik the show already. So nabuo yung pairings nung show. Masaya kasi it was work but it wasn’t difficult for us to be doing those scenes together because we were really enjoying them,” pag-alala ni Marvin sa samahan nila ni Jolens.
Hanggang ngayon ay may communication pa rin sila ni Jolina at talagang na-maintain pa rin nila ang kanilang special friendship, “Sobrang support ng loveteam ko sa akin. Kahit yung mga ensaymada at saka carrot (cake), bumibili yan at pinamimigay niya. Pinangreregalo niya.”
Ibinalita rin ni Marvin na may gagawin siyang bonggang project abroad na magsisimula kapag maayos na ang sitwasyon sa buong mundo at ligtas nang mag-travel uli.
“I’m actually supposed to go to Singapore because I’m doing a campaign with the Singapore Tourism Board. Sobra akong na-touch sa Singapore.
“Kinuha nila akong ambassador sa food. Now we’re doing several content with Singapore Master chef and they’re teaching me how to cook Singaporean cuisine.
“Nakakatuwa kasi lahat naman ng ito na me getting into creating food content nagsimula during pandemic. Na parang bigla akong naging influencer. Wow!
“It was very challenging what we were all going through but nakakatuwa how these surprises can open doors during difficult times.
“I don’t like to sound emo pero huwag talagng mag-gi-give up, huwag talagng panghinaan ng loob. Itong buhay na ito para sa malakas ang loob.
“If you’re living right now, you don’t actually need to have great plans in life, you just need not to give up. You just have to promise yourself to live another day and tomorrow will be a better day and it will be actually,” lahad pa ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.