Benjamin nainggit sa mga kasabayan sa showbiz: Ang hirap aminin na nabigo ka sa dream mo noong bata ka | Bandera

Benjamin nainggit sa mga kasabayan sa showbiz: Ang hirap aminin na nabigo ka sa dream mo noong bata ka

Ervin Santiago - April 18, 2021 - 09:33 AM

INATAKE rin ng inggit at kawalan ng tiwala sa sarili ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves noong mga panahong sunud-sunod na ang naranasan niyang rejection sa showbiz.

Marami ring frustration at pagsubok na na-experience ang binata nu’ng nagsisimula pa lang siya sa entertainment industry na isa sa mga rason kung bakit nagdesisyon siyang pagtuunan muna ng pansin ang kanyang pag-aaral.

Kung matatandaan, taong 2006 nang mag-artista si Benjamin ngunit sa loob ng tatlong taon ay puro rejection lang daw ang inabot niya. Dito na siya nagdesisyon na iwan muna ang showbiz.

“I needed to go back to school to find a sense of security siguro or confidence that I lost with those three years na having so many rejections,” sabi ng hunk actor sa panayam ng GMA.

Nag-aral ang binata ng English Literature sa University of Guam at naging scholar pa. Nagtapos din siya ng summa cum laude.

Pero inamin din ng hunk actor na  nakaramdam din siya ng inggit kapag napapanood niya sa TV at pelikula ang mga kasabayan nita sa showbiz.

“I made a mistake one time of watching TV, of local TV and I saw my contemporary, ‘yung kasama kong nagbi-video or nag-o-audition dati na given the opportunity.

“While I was completely happy for them, you can’t help na manghinayang kasi dapat nandoon ka rin,” pahayag ng binatang aktor.

“Then I realized myself, ‘Why did I choose to finish school so fast?’ And the reason why I finished school in two and a half years was because I wanted to give myself a chance to come back.

“Ang hirap kasing i-admit na nabigo ka, or mahirap i-admit na nag-fail ka sa dream mo noong bata ka. Ang hirap sabihin na hindi mo na puwedeng gawin ‘yun,” lahad ni Benjamin.

Ngunit hindi raw tuluyang nagpalamon sa kanyang nararamdam si Benjamin, “I was in a healthier state and mindset, ‘OK … I won’t be hard on myself. There won’t be envy or jealousy towards them or resentment towards my decision because I am in the right place and I am done with my education. I’m in a happier state. Now I can choose.’”

At hindi naman nabigo ang aktor nang mag-decide siyang bumalik sa Pilipinas at ipagpatuloy ang pangarap niyang maging aktor. Binigyan siya agad ng projects ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I really do believe in timing. You close it in your head but in life, life has plans for you,” sabi pa ng Kapuso hunk at leading man ni Lovi Poe sa seryeng “Owe My Love.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending