Cancer survivor, Fil-Am vlogger Wil Dasovich nagpabakuna ng Moderna sa US; may na-feel bang side effect?
DOKUMENTADO ang ginawang pagpapabakuna ng Fil-Am vlogger na si Wil Dasovich ng COVID-19 vaccine sa Amerika.
Nasa California ngayon ang sikat na travel vlogger kasama ang kanyang pamilya kaya sinamantala na niya ang pagkakataon na makapagpaturok ng bakuna mula sa Pfizer.
Kuwento ni Wil sa kanyang vlog, nauna nang nagpabakuna ang tatay niyang si Steve at sister na si Haley. Dito tinanong niya ang ama kung ano ang nararamdaman nito matapos makuha ang second dose ng COVID-19 vaccine.
Sabi ng ama, maayos na maayos naman daw ang pakiramdam niya, “I’m gonna go for a run if I feel okay for a little bit.”
Ngunit inamin nitong sa ikalawang araw matapos makuha ang kanyang second dose, “I feel it a little in the arm, but I’ll see how that goes tomorrow in the golf game.”
For his part, talagang dumaan din sa tamang proseso si Wil para makuha ang kanyang COVID-19 vaccine. Una, tinawagan niya ang nakita niyang number sa website ng California Department of Public health para magpa-book ng appointment.
Ngunit aniya, fully-booked na raw sa kanilang lugar kaya naghanap siya sa ibang siyudad hanggang sa malaman niya na may available slot pa sa isang vaccine clinic sa Napa County.
Sa isang bahagi ng video, tinanong pa ng vlogger ang kanyang ama kung nagwo-worry ba ito sa kanyang pagpapabakuna dahil pareho nga silang cancer survivor.
Hindi raw, sagot ni Steve. Sa katunayan, masaya siya dahil sa wakas may panlaban na sila sa COVID-19, “I’m glad you guys are gonna get them. It’s fine. You guys are gonna be fine. With all that clean food you eat, you’re gonna have a better reaction.”
Habang papunta naman sa Irene Snow Elementary School sa Napa County para sa unang dose ng bakuna, tuloy ang pagkukuwento ni Wil, “So, I’ve been reading up about all the vaccines and currently I’m gonna get Moderna.
“I think Moderna and Pfizer are the best ones, but that’s an opinion. Ultimately, the best vaccine is the one that is available to you,” aniya pa.
Komento naman ng kanyang ama, “I think it’s a risk assessment like everything else. For me, personally, I increase my risk by not getting the vaccine. So, I got the vaccine to reduce my risk.
“And I’m a cancer survivor. I’m really not concerned about anything about the vaccine whatsoever. I’ve had a lot worse,” sabi pa nito.
Sabi naman ng medical professional na nagbakuna kay Wil, ilan sa magiging epekto sa kanya ng vaccine ay dehydration, headache at fatigue.
Kaya ang payo sa kanya ay uminom ng maraming tubig nu’ng araw na yun. Pinagbawalan din siyang uminom ng vodka o tequila.
Ayon pa sa partner ng kilalang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao, umabot lang sa 3 minuto at 17 segundo ang actual vaccination process sa kanya at makalipas ang ilang araw ay wala naman siyang nararamdamang anumang side effect.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.