Bida Star winner Ruth Paga pangarap bumida sa MMK; super idol sina Kathryn at Jodi Bandera

Bida Star winner Ruth Paga pangarap bumida sa MMK; super idol sina Kathryn at Jodi

Reggee Bonoan |April 08,2021
share this

Bida Star winner Ruth Paga pangarap bumida sa MMK; super idol sina Kathryn at Jodi

Reggee Bonoan | April 08,2021 - 11:44 AM

NAWALAN man ng trabaho dahil sa pandemya, natupad naman ang pangarap ng 23-taong-gulang na si Ruth Paga ng Kalinga Province na maging kapamilya star matapos magwagi sa “Bida Star: Gandang Naturally Fresh”.

Nagpursige si Ruth sa buhay sa kabila ng mga matinding pagsubok at naging vlogger bago sumali sa online star search ng ABS-CBN.

Hinangaan ito ni Star Magic acting guru Direk Rahyan Carlos dahil hindi ito sumuko sa laban, “I like your  passion. You are a fighter. I like that attitude,” sabi ni Direk Rahyan sa huli nilang acting challenge.

Naiuwi ni Ruth ang titulong Ultimate Bida Star matapos makakuha ng 89.54% mula sa kumu diamonds, KTX votes, at score mula kay Direk Rahyan Carlos.

“Sa lahat na naging parte ng Bida Star journey ko, thank you so much. Ang dami kong natutunan sa inyo. Nakabuo ako ng family and friends,” ani Ruth.

Nagkaroon siya ng kumpiyansa sa sarili sa tulong ni Direk Rahyan para lumabas sa kanyang comfort zone, dagdag nito.

“Mas nakilala ko yung sarili ko. Kasi dati gusto ko talagang maging artista pero sobrang linilimitahan ko yung sarili ko. Sobra niya akong natulungan na lumabas sa box ko,” saad ng dalaga.

Bukod sa titulong Ultimate Bida Star, nanalo rin ang dalaga ng P50,000, ABS-CBN management contract, Eskinol Talent Contract, pagkakataong makasali sa Star Magic Workshop, isang digital show, at isang role sa isang digital film kasama ang ilang Kapamilya stars.

Samantala, sumunod naman sa kanya si Nics Sevilla na nakakuha ng 69.37%. Umuwing 3rd placer naman si Mikaela Angela na nakakuha ng 66.98% habang ang 4th placer na si Ayra Paraiso ay nagkamit ng 39.47%.

Samantala, sa nakaraang virtual mediacon para sa pagkapanalo ni Ruth sa Ultimate Bida Star inamin niyang hindi niya in-expect na ang pangalan niya ang tatawagin ng Bida Star hosts na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza.

“Hindi ko na ipagkakaila na sobrang saya. I’m so blessed na ako yung nandito sa araw na ‘to. Thankful and blessed ako na humaharap na ako sa mga tao as a Ultimate Bida Star. Sobrang saya ko, sobrang blessed, sobrang thankful.

“Walang salita ang makapag-describe ng nararamdaman ko ngayon. Dumating na rin yung time na blessing para sa akin,” aniya.

Tungkol naman sa kanyang mga napanalunan, “Sobrang excited ako. Siguro pag natanggap ko na yung mga premyo baka mas ma-feel ko pa yung pagka-Ultimate Bida Star ko. Sobrang excited ako.

“Kung bibigyan ako ng chance para mamili ng film, gusto ko ng mga drama. Gusto ko pang-MMK ko para i-MMK ko yung buhay ko. Para makita nila kung ano yugn nangyari hanggang makuha ko itong Ultimate Bida Star, parang ganu’n.

“Tapos kung bibigyan ako ng chance para may makasama ako na Kapamilya star, si Ms. Kathryn Bernardo at si Ms. Jodi Sta. Maria at siyempre ang KarJon kasi siyempre kasama ko sila from the beginning kaya gusto ko rin sila makasama in person, parang ganyan,” sabi pa ng dalaga.

Ano nga ba ang strategy na ginawa niya sa kumpetisyon para siya ang tanghaling winner? “Siguro yung ginawa ko, pinakita ko lang yung totoong ako na in-enjoy ko lang yung moment tapos kung mapapansin niyo ako yung oabiro du’n, kuwela kuwela.

“Ginawa ko lang yun para ma-distract ko yung mga kalaban ko. Ha-hahaha! Siyempre ganun ako pero pagdating sa mga challenges, pagdating sa mga workshop, nandun yung tenga ko na paghahandaan ko ulit. So ganu’n yung naging strategy ko,” pahayag pa ni Ruth.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending