Netizens kumasa sa 'crying groom challenge' ni Luis: Yung nanay mo Recto pero napangasawa mo Mendiola! | Bandera

Netizens kumasa sa ‘crying groom challenge’ ni Luis: Yung nanay mo Recto pero napangasawa mo Mendiola!

Ervin Santiago |April 07,2021
facebook
share this

Netizens kumasa sa ‘crying groom challenge’ ni Luis: Yung nanay mo Recto pero napangasawa mo Mendiola!

Ervin Santiago - April 07, 2021 - 10:43 AM

BENTANG-BENTA sa madlang pipol ang mga nakakatawa at nakakaaliw na viral memes gamit ang crying moment ni Luis Manzano sa civil wedding nila ni Jessy Mendiola.

Nagsilbi kasi itong panandaliang gamot ng mga netizens sa matinding kalungkutan at takot ngayong lumalala na naman ang health crisis sa bansa dulot ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

In fairness, muling pinatunayan ng ilan nating kababayan ang pagiging henyo ng mga Pinoy pagdating sa “kalokohan” gamit ang social media — at ang pinakabagong biktima nga ay ang bagong kasal na si Luis.

Kanya-kanyang paandar at hugot ang mga netizens sa isang litrato kung saan makikita ang pag-iyak ng TV host-comedian nang makita ang kanyang bride na si Jessy sa kanilang wedding na ginanap sa Lipa City, Batangas noong Feb. 21, 2021.

Game na game pa ngang hinamon ni Luis ang mga netizens na patuloy na gawan ng memes ang kanyang crying photo para mas marami pa siyang mapasaya.

Kumasa naman sa challenge ang kanyang mga tagasuporta tulad ng isang Facebook user na naglagay sa kanyang litrato ng, “Yung nanay mo Recto pero ‘yung napangasawa mo Mendiola.”

Narito pa ang ilan sa mga sumagot sa challenge ng husband ni Jessy:

“Yung kakatapos mo lang magaral ikaw pa mag huhugas ng pinggan.”

“Yung ‘di ka pinayagan ng mama mo sumama sa swimming.”

“Yung ikaw na yung susunod sa pila ng libreng tuli! Congrats bro! Binata ka na!”

“Yung kakain na kayo tapos di mo pala nababa yung rice cooker.”

“Yung napagtanto mo na si Angel pala talaga ang gusto mong pakasalan at hindi si Jessy.”

“Pigil na pigil ka ng poops mo sa rumaragasang bus tapos biglang dumaan sa lubak-lubak.”

Samantala, sa isang interview naibahagi nina Jessy at Luis kung paano nagsimula ang kanyang love story.

“Obviously, we’re not fit to become a love team. Pwede pa siguro mag-ama kami sa acting,” birong chika ng Kapamilya TV host.

“I would constantly see her in ‘ASAP,’ and she would always guest on my game shows, sometimes with her significant others at the time or with her love team.

“I’ve always known her. Then something happened a while back which brought us closer together.

“There was a bond. That’s the best way to put it dahil nga sa pinagdaanan namin. We were both in different relationships pero we formed this solid bond so parang that’s where it started eh,” pagbabalik-tanaw ni Luis.

Kuwento naman ni Jessy, una niyang naramdaman na may “something” sa kanila ni Luis noong mag-birthday ang TV host noong  2016.

“Everyone left and then when people were cleaning up na, we went outside, we went outside by the pool tapos that was the time na I saw, ‘Oh okay, pwede pala siya.’ There was attraction na.

“Sabi ko, he’s the type of guy that I could talk to about anything under the sun. Kumbaga anything and everything under the sun.

“I could just talk to him about simple things, about weird things and I didn’t feel awkward at all so sabi ko pwede siya ha. Parang everything just fell into place after that,” pag-amin ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naganap ang intimate wedding ng celebrity couple sa The Farm at San Benito sa Batangas last Feb. 21 na pinangunahan ni Lipa City Mayor Eric Africa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending