Ex-loveteam hindi na 'package deal' sa mga TV commercial pero aktor swerte pa rin | Bandera

Ex-loveteam hindi na ‘package deal’ sa mga TV commercial pero aktor swerte pa rin

Reggee Bonoan |April 05,2021
facebook
share this

Ex-loveteam hindi na ‘package deal’ sa mga TV commercial pero aktor swerte pa rin

Reggee Bonoan - April 05, 2021 - 08:11 PM

KUNG dati ay “package deal” ang dating magka-loveteam sa lahat ng produktong ineendorso nila, ngayon ay hindi na.

Patok sa publiko ang kanilang tambalan dahil magaganda naman talaga ang mga ginagawa nilang TV commercial. Bukod pa riyan, sila rin ang most viewed sa mga online promo.

Kaso, naghiwalay na nga ang dalawa kaya nalungkot ang isang ad agency na paborito silang kunin sa ilan nilang mga projects na saktung-sakto sana sa dating magka-loveteam.

Pero hindi pa rin naman nila binitiwan ang aktor dahil base sa survey ay malakas pa rin ito kahit nawalan siya ng ka-loveteam.

Naiwang mag-isa ang aktres kaya tinanong namin kung may iba silang project na ibibigay dito, “As of the moment wala pong naka-line up. Hindi na-approve ng client,” sagot sa amin ng isang kakilala namin sa ad agency.

“Parang mas naging magaan nga nu’ng solo na si _____ (aktor), ang dali ng lahat. Walang aberya. Dati rin naman nu’ng magkasama pa sila ni _____ (aktres) okay naman, pero siyempre naghihintayan pa rin.

“Ngayon, ang bilis ng work, ang bilis ng shoot kaya nagustuhan din ni client kasi dumalaw siya sa shoot, eh,” kuwento pa sa amin.

Sa pagkakaalam namin ay maraming projects si aktor at hindi lang makapagsimula dahil sa pandemya kaya puro online lang ‘yung natatapos niya.

Well-loved siya ng buong staff ng ad agency dahil napaka-humble at palangiti. Hindi rin siya nakitaan ng kapaguran at okay din sa kanya kapag maraming nagpapa-picture na staff.

Wala naman kaming alam kung anong kongkretong project ngayon ng aktres, ang alam namin ay puro negotiation palang o baka kasi ayaw din nitong mag-work muna dahil sa pandemya.

Anyway, may bago nang ipapareha sa aktres pero hindi lang kami sure kung matatanggap ito ng publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending