Luis, Jessy ikinasal na sa Lipa, Batangas; 20 lang ang imbitadong guest Bandera

Luis, Jessy ikinasal na sa Lipa, Batangas; 20 lang ang imbitadong guest

Ervin Santiago |April 04,2021
share this

Luis, Jessy ikinasal na sa Lipa, Batangas; 20 lang ang imbitadong guest

Ervin Santiago April 04,2021 - 08:22 PM

NAGPAKASAL na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola nitong nagdaang February na ginanap sa The Farm at San Benito sa Lipa City, Batangas.

Ibig sabihin, may isang buwan na rin silang nagsasama ngayon bilang mag-asawa.

Sa Instagram account ni Jessy, makikita ang kanilang wedding photo ni Luis na may caption na, “Officially Mrs. Manzano.”

Sa kanya namang IG page, nag-post ang TV host-comedian ng black and white photo ng kamay nila ni Jessy suot ang kanilang wedding ring. Nakasulat din dito ang link para sa YouTube vlog ng kanyang wifey kung saan mapapanood ang five-minute video ng kanilang kasal.

Makikita sa video si Jessy suot ang simpleng white ankle length dress na ginawa ni Patricia Santos habang si Luis naman ay naka-pastel pink coat mula kina Rex Atienza at Jay Sarmiento.

Balitang tatlong linggo lang ang naging preparasyon ng celebrity couple para sa kanilang wedding at nasa 20 lamang ang imbitadong guests bilang pagsunod sa ipinatutupad na health protocols.

Biglaan lang daw ang naging desisyon ng celebrity couple na magpakasal last February. Balita ring magkakaroon pa ng bonggang  wedding ang dalawa sa darating na December kung magiging maayos na ang sitwasyon sa bansa.

Makikita naman sa ginanap na kasalan nina Luis at Jessy ang kanilang mga pamilya kabilang na ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. May ilan din silang malalapit na kaibigan na nakadalo sa kasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending