Albie kinuyog ng mga DDS, pero hindi nagpasindak; bashers tinawag na 'stupid', 'idiot' | Bandera

Albie kinuyog ng mga DDS, pero hindi nagpasindak; bashers tinawag na ‘stupid’, ‘idiot’

Ervin Santiago |March 31,2021
facebook
share this

Albie kinuyog ng mga DDS, pero hindi nagpasindak; bashers tinawag na ‘stupid’, ‘idiot’

Ervin Santiago - March 31, 2021 - 03:28 PM

NAKIPAGSAGUTAN ang hunk actor na si Albie Casino sa ilang supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang kuyugin dahil sa pambabatikos niya sa gobyerno.

Isa ang binata sa matatapang na celebrities na naglabas ng saloobin sa umano’y mga kakulangan ng pamahalaan sa pagkontrol sa COVID-19 pandemic at sa tamang pangangalaga sa mga Filipino.

Nag-post ang binata ng selfie photo sa Instagram kasabay ng pang-ookray sa mga opisyal ng gobyerno, “My face when they said ecq season 2. Congrats to everyone who voted nung 2016 sana natutuwa kayo ngayon. vote wisely sa 2022 #ecq #halalan2022.”

Maraming kumampi kay Albie at isa na nga riyan ang kilalang impersonator ni Kris Aquino na si Krissy Achino.

Comment niya sa post ng aktor, “Kaya idol kita dude eh!!!”

Sagot naman sa kanya ni Albie, “@krissyachino mana Lang ako sa inyo hahaha.” Reply uli ng gay impersonator, “Hahaha! Kung tama naman at para sa ating lahat, why not diba? Taxpayers naman tayong lahat kalurx!!!”

Isa pang follower ng binata ang nagsabing, “Admire you sharing your political perspective. And while others disagree, it’s important that everyone is able to share their thoughts. Thanks for the bravery cause you know you will get a lot of hate. But I think more people side with you on this.”

“Thanks at Hindi ka bulag at pipi. Buti Hindi ka takot ihayag Ang saloobin tungkol sa politics..hindi kagaya ng ibang artista takot ma bash,” komento ng isa pa.

Hirit pa ng isang netizen, “Mga linyahan ng DDS: wala kang ambag, ikaw nalang ang tumakbo, laos, walang career. wala na ba kayong masabi?? Namemersonal nalang? Lol!”

Narito naman ang mga mensahe ng ilan sa mga nam-bash kay Albie.

“Kastress yung comment na ‘cOntRoL bA nG gObyErNo YunG viRuS amputaa’. Hahahahaha! Control nio utot nio!”

May nagkomento naman na ano raw ba ang naiambag niya sa sambayanang Filipino para okrayin niya si Duterte. Sagot ng aktor, “I pay a lot of taxes stupid. that’s my ambag you burn.”

Hirit uli ng netizen, “Bakit ikaw lang nagbabayad?” Na nireplayan ni Albie ng, “Did I say that? You asked me stupid I answered, yan ambag ko g*g*!”

Nagsasalita raw siya bilang isang taxpayer at isang taong may malasakit sa kapwa niya Pinoy, “Why would I be scared of bashers? Not a single person talking sh*t here is doing better than me in life. They hate in my comments all they want but at the end of the day I’m winning and they’re not.”

May nagtanong naman sa aktor ng, “Ano ang gagawin mo kung si Sara Duterte ang maging next presidente, magbibigti ka?”

Matapang na sagot ni Albie, “Bat ako magpapakamatay sarap sarap ng buhay ko, kahit sino pa nakaupo dyan walang magbabago sa buhay ko.

“It’s people like you that are most affected by incompetent government officials yet you still worship em like gods hahaha ikaw nalang magpakamatay baka ikaganda pa ng bansa bawas isang tanga.”

Comment ng isa pa niyang IG follower, “Di ko magets bakit dds padin sila hanggang ngayon. tapos nagrereklamo bakit ecq daw uli well binoto nyo siya nung 2016 that’s why.”

“Mahihina kasi utak ng mga yan. what do you expect man you cant make chicken salad outa chicken sh*t,” sagot ni Albie.

Sa mga basher naman na nagtanong kung ano ang koneksyon ng sinabi ni Albie na “vote wisely” sa muling pagpapatupad ng ECQ sa ilang bahagi ng bansa, ito ang bwelta ng aktor, “F*ck*n retards everywhere. The point is if idiots didnt vote for an incompetent president maybe our government would have been able to handle the situation better.

“If you guys still don’t get it that’s my problem anymore. Y’all probably won’t I mean you guys are obviously mentally challenged and that’s okay, it’s not your fault you guys didnt receive a quality education not everyone can afford one,” sabi pa ni Albie Casino.

Bwelta naman sa kanya ng isang hater, “Ikaw yata ang mentally challenged sa nakaka insultong comments mo. parang bakla kung mag rant!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinagot ito ni Albie ng, “Dude, shut up, I’m not gay but there’s nothing wrong with being gay insult na ba yun? Maganda pa nga mga kaibigan kong bakla kesa sa yo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending