Jak kontra sa pagsusuot ni Barbie ng sexy OOTD: Mas simple, mas maganda... | Bandera

Jak kontra sa pagsusuot ni Barbie ng sexy OOTD: Mas simple, mas maganda…

Ervin Santiago |March 23,2021
facebook
share this

Jak kontra sa pagsusuot ni Barbie ng sexy OOTD: Mas simple, mas maganda…

Ervin Santiago - March 23, 2021 - 09:33 AM

NAGING “mainitan” ang diskusyon ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto tungkol sa issue ng pagsusuot ng revealing na damit ng mga babaeng may dyowa na.

Medyo naging “confrontational” kasi ang mga banat ni Barbie nang mapag-usapan nila ang pagbabawal ng mga lalaki sa kanilang mga girlfriend na magdamit ng medyo sexy.

Sa bagong vlog ng magdyowa, mapapanood yung araw na lumabas sila para sa isang post-Valentine date kung saan kumain sila sa labas at nagpa-facial.

Ito rin yung unang pagkakataon na nakasakay ang dalaga sa astig at upgraded pick-up truck ni Jak.

Habang bumibiyahe, natuon ang topic nila sa mga OOTD ng Kapuso Primetime Princess matapos itong mahirapan sa pagsakay sa sasakyan ni Jak dahil nga nakapalda siya nu’ng araw na yun.

Dito nga natanong ni Barbie si Jak ng, “Ikaw ba ‘yung tipo ng boyfriend na conservative sa girlfriend? ‘Yung very parang gusto niya parang papunta na sa winter lagi ‘yung suot?”

Sagot ng binata, “Hindi naman ganu’n ka-OA. ‘Yung mga simpleng pants lang naman tsaka simpleng shirt. Magaganda na naman na kayo, hindi n’yo kailangang mag-reveal pa ng skin. Kapag sa amin kasi, mas simple, mas maganda.”

Halatang umiiwas na ang Kapuso hunk sa issue para hindi na sila magkasagutan ni Barbie. Pero muli siyang sinagot ng dalaga, “Eh, bakit hindi naman ‘yun ‘yung mga sinu-zoom in mo sa Instagram?

“Bakit kapag girlfriend mo na, ayaw mong magsuot ng revealing clothes? Pero kapag nag-i-Instagram ka, talagang aliw na aliw ka doon sa mga naka-sobrang fit na leggings, tapos naka-sports bra na nagyo-yoga.

“Hindi nga, hindi sabihin natin. Kapag kunwari merong nakabihis ng revealing, sasabihin ‘chicks,’ ganyan. Pero kapag girlfriend mo, ayaw mo na siyang pagbihisin ng revealing?” tuluy-tuloy na tanong ni Barbie kay Jak.

Depensa naman ng hunk actor, “Kailan ako nag-zoom in (sabay ngisi)? Tsaka ipinakikita ko lang sa yo yun para hindi mo gayahin.”

Inalala rin nila yung araw na nagse-send ng litrato ang dalaga kay Jak ng mga litrato na nakasuot siya ng
leggings na kuha sa kanilang rehearsal at tatanungin daw ng aktor kung bakit ganu’n ang outfit niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot pa ni Barbie, “Kahit sa simpleng rehearsal sa All-Out Sundays, naka-leggings ako tapos sando, ayaw niyang nagsusuot ako ng masyadong fit na damit…kasi nakikita ‘yung totoong hubog ng katawan ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending