Andrea bait-baitan na sa 'Huwag Kang Mangamba', Francine pumayag magkontrabida | Bandera

Andrea bait-baitan na sa ‘Huwag Kang Mangamba’, Francine pumayag magkontrabida

Reggee Bonoan - March 16, 2021 - 03:30 PM

ANO ang pagkakaiba ng mga inspirational drama series na “May Bukas Pa”, “100 Days to Heaven” at “Nathaniel” sa bagong handog na teleserye ng Dreamscape Entertainment na “Huwag Kang Mangamba” na mapapanood na simula sa Marso 22 sa A2Z, TV5, WeTV at Iflix.

Pahayag ng head ng creative ng Dreamscape na si Rondell Lindayag sa virtual mediacon ng bago nilang programa, “Karamihan kasi sa kanila ay bata. So, ngayon inilagay namin sa perspective na dalawang teenager na feeling namin ay dapat din nating maipakita sa kanila.

“Yung mga aral na puwedeng ibigay ni Bro (Panginoong Diyos) na hindi lang siya para sa bata kundi para rin sa kanila. Saka sila rin ‘yung maraming pinagdadaanan sa panahon ng pandemya,” paliwanag pa ni Rondell.

Sa tanong kung sequel ba ito ng “May Bukas Pa” dahil may “Bro” rin sa “Huwag Kang Mangamba”, ang Business Unit Head ng programang si Ms. Carlina dela Merced ang sumagot, “Yung tanging kinontinyu namin dito ay si Bro tapos the rest bago na lahat. Si Dominic (Ochoa) hindi continuation kasi dati pari siya, ngayon iba na ‘yung role niya.”

Dagdag naman ng Dreamscape Entertainment Head na si Deo Endrinal, “Hindi siya continuation ng May Bukas Pa pero kuwento ito ni Bro. So, kung meron mang pagkakapareho ay ‘yung presence ni Bro. Just like May Bukas Pa, this show is going to be blessed by the presence of Bro because Bro naman never left us.

“This is just a story of how Bro is touching the lives of two teenagers sabi nga ni Rondell, not anymore a child, not anymore Santino but two teenagers and another community kung saan may need para muling maparamdam ni Bro na hindi niya tayo iniwan at nandidiyan lang siya.

“And there’s no reason for us na matakot o mangamba kasi iyon nga ang sinasabi ng title natin, Huwag Kang Mangamba,” sabi pa ng TV executive.

Samantala, ang dalawang teenager na tinutukoy ni Rondell ay sina Andrea Brillantes at Francine Diaz na mga bida noon sa “Kadenang Ginto.”

Sa “KG” ay maldita ang karakter ni Andrea at si Francine ang inaapi-api. Pero sa “Huwag Kang Mangamba” ay nagkapalit ang karakter nila at pinag-usapan daw talaga nila ito.

Ani Francine, “Para po sa akin nu’ng na-feel ko na nalaman kong kabaligtaran ko ‘yung role ni Cassie (karakter niya sa KG). Ako naman po dito ‘yung bida-kontrabida and sobrang thankful po ako and sobrang natutuwa ako kasi isa ito sa dream role ko rin na gusto kong magawa talaga.

“And nakakatuwa po kasi nakakapag-explore ako bilang artista and mas nakilala kong mas maigi ang sarili ko kung hanggang saan ‘yung kaya ko at hindi ko kaya,” anang dalagita.

Say naman ni Andrea, “Actually, ni-request ko po talaga na sa next ko (project) kung may maibibigay sa akin na show na sana mabait ako or kung hindi man mabait, opposite ni Marga (karakter niya sa KG) kasi gusto ko pa ring ipakita sa lahat ng tao ang kakayanan ko sap ag-arte at ayaw kong malimit ang sarili ko sa pagiging kontrabida.”

Ang kapartner pa rin ni Andrea sa serye ay si Seth Fedelin habang si Kyle Echarri naman kay Francine.

Natanong si Andrea kung ano ang mga nadiskubre niya kay Seth since lock in taping sila sa “Huwag Kang Mangamba” sa loob ng 20 days.

“Siguro po para maramdaman nila (publiko), nasa point na po kami na nagkakainisan sa isa’t isa. Ganu’n na po kami kakomportable sa isa’t isa.  Dati magkatrabaho lang kami, pero ngayon iba na ‘yung care namin sa isa’t isa at nakikita ko rin na mas nag-mature siya (Seth).

“Sa una kong pagkakakilala at mas nag-grow siya, mas naging gentleman, maalaga, malalim na rin bilang tao ‘yung mga words na gamit niya kapag naga-advise siya sa akin.

“Dati ang topic lang namin ang mata niya, ngayon mga pinagdadaanan na namin sa life ay nasi-share na namin sa isa’t isa and thankful ako na nakilala ko sisiya,” mahabang kuwento ni Andrea.

Para kay Seth, “Sa akin ano malalim. Sabi po niya umabot na kami sa point na nagkakainisan sa isa’t isa, ganu’n napo ‘yung bond namin at kapag may personal na problema ako o family, nandiyan ako at nandiyan siya para pagsabihan namin ang isa’t isa.

“Hingi kami ng advise kung ano ang mga dapat naming gawin.  Ganu’n na kalapit ang loob namin sa isa’t isa,” dagdag ng binata.

Anyway, makakasama rin ng Gold Squad sa serye sina Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, RK Bagatsing Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Matet de Leon, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Mylene Dizon, Matty Juniosa, Alyanna Angeles, Lance Carr, Pamu Pamorada, Troy Montero, Krystal Reyes, Mike Magat, Paolo Gumabao at Eula Valdez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Huwag Kang Mangamba” ay mula sa direksyon nina Jerry Sineneng, Darnell Villaflor at Manny Palo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending