Andrea ayaw munang magdyowa uli tulad ni Derek: Gusto ko munang mag-spend ng time with myself | Bandera

Andrea ayaw munang magdyowa uli tulad ni Derek: Gusto ko munang mag-spend ng time with myself

Ervin Santiago |February 28,2021
facebook
share this

Andrea ayaw munang magdyowa uli tulad ni Derek: Gusto ko munang mag-spend ng time with myself

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 09:59 AM

WALA pang balak ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na muling pumasok sa isang seryosong relasyon.

Mas gusto raw muna niyang i-enjoy ang kanyang single life ngayon at mag-focus sa trabaho lalo pa’t may bago na nga siyang teleserye sa GMA 7, ang “Legal Wives.”

Ito’y matapos nga silang maghiwalay ni Derek Ramsay last November, 2020 at ibandera nga sa buong mundo na nagkanya-kanya na sila ng landas makalipas ang ilang buwang relasyon.

Sa panayam ng GMA, natanong  si Andrea kung ready na siyang ma-in love uli, “Hindi po muna. Gusto ko po muna mag-spend ng time with myself. So, ganito na lang po muna tayo talaga, work, family, and friends.”

Kabaligtaran naman ang mga ganap sa buhay ng ex-dyowa niyang si Derek dahil ilang buwan pa lang matapos silang maghiwalay heto’t inamin na rin nila ni Ellen Adarna na sila na nga na idinedenay pa nila nu’ng una.

“Tama, may spark talaga. Sobrang laking spark. We just really are enjoying each other’s company. Sobra!” ang naging pahayag ni Derek sa isang panayam.

At tulad ng inaasahan, kung may excited at super happy sa relasyon nina Ellen at Derek may mga bumatikos at nangnega rin sa kanila.

Nagkakaisang komento ng kanilang bashers — ngayon alam na kung bakit bigla na lang daw naghiwalay sina Derek at Andrea at hindi na rin daw sila magtataka kung magkahiway din ang hunk actor at si Ellen pagkatapos ng Holy Week o summer season.

Pero in fairness, may nagtanggol din sa kanila laban sa mga haters. Anila, wala namang magagawa ang publiko kung talagang nagmamahalan sila at wala naman daw yan sa haba o ikli ng panahon — mahal nila ang isa’t isa kaya yan ang ipinaglalaban nila.

Samantala, nagkuwento rin si Andrea tungkol sa bago niyang Kapuso series, ahg “Legal Wives” kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Cherie Gil, Alice Dixson at Bianca Umali.

Natapos na ang una nilang lock-in taping para sa nasabing programa at looking forward na si Andrea sa susunod nilang pagsasama-sama dahil talagang nag-eenjoy daw sila sa kanilang ginagawa.

“Nakakatuwa po, kasi ‘yung lugar namin may nature siya, so minsan nagsasabay-sabay din kami na mag-work out ganyan.

“Nakakatuwa lang na may ganu’n kaming space, nakakapag-jogging kami du’n sa vicinity, tapos siyempre hindi mawawala ‘yung pagkain, kapag nagsasalu-salo na kayo. Siyempre, palitan kayo ng mga pagkain, mga baon,” pahayag pa ng sexy actress.

“Kami ni Miss Alice, ang dami namin nagawang mabibigat na eksena. Ang sarap-sarap niya ka-eksena, ang ganda-ganda ng mata niya very expressive.

“Tapos si Dennis din, I’m so happy din na hindi kami dumaan du’n sa awkward stage. Talagang pag nandun kami sa eksena, Ismael and Dianne talaga,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tungkol naman sa ginagampanan niyang role sa serye bilang isa sa mga asawa ng karakter ni Dennis, “Ang dami niyang pinagdaraanan, so ang bigat-bigat. Kailangan maging totoo ‘yun di ba, so minsan nararamdaman ko na din talaga, sabi ko nga kay Direk, ‘Ang sakit sa puso,’” kuwento pa ng ex ni Derek.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending