Payo ni Juday sa mga nagtiwala, nagmahal at nasaktan: Push lang nang push
TAKOT ka na bang magmahal uli at magtiwala matapos mabigo sa pag-ibig o kaya’y ilang beses nang umiyak dahil sa mga manloloko at paasa?
Kung yes ang sagot mo, may ilang payo at tips para sa inyo ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo tungkol sa pagmamahal at pakikipagrelasyon.
Sa latest vlog ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez, nagbigay ng ilang life lesson ang mag-asawa (na 12 years nang nagsasama ngayon), para sa lahat ng mga taong natatakot o nagdadalawang-isip nang pumasok sa isang commitment dahil sa trust issues.
“You’ll really never know when you’ll be able to trust again unless you try to trust another person again. Para sa akin, kapag nasaktan ka, part naman ‘yung ng lesson, ‘di ba?” paunang sabi ni Juday
“Sabi nga nila ang importante naman sa bawat moment na masaktan ka at magkamali ka is the lesson behind it.
“So push lang nang push, try lang nang try and then you know, God will really bless you with someone who deserves your love, attention and respect,” paliwanag pa ng Soap Opera Queen.
Para naman kay Ryan, “Ang hirap ‘yung konsepto ng trust when you talk about love. Maybe we can talk about sports. I’d like to equate it to sports.
“Let’s say, ako, sa mountain bike, kapag sumemplang ako iisipin ko bakit ako sumemplang, pero magma-mountain bike at magma-mountain bike ako kasi gusto ko. So parang ganu’n din ‘yung tingin ko sa love,” esplika ng isa sa mga Dabarkads ng “Eat Bulaga”
“Pero siyempre matandain din ako. So tatandaan ko kung ano ‘yung mga mali ko. But eventually, I know the next day, I’m going to get up and get on my mountain bike and attack the trail.
“Parang sabi nga nila sa mountain biking, ‘You never ride the same trail twice.’ Or let’s say you’re surfing, ‘You never surf the same wave twice.’
“But you remember how you reacted as a person. The terrain might be different as in love, as in the sea, as in the mountain bike trail, but you react to it, ‘yun ‘yung poproblemahin mo,” lahad pa ni Ryan.
Dagdag pa ng mister ni Juday, “That’s what you train yourself for. You don’t try and anticipate everything to be perfect. What you do is you prepare yourself.”
Sa tanong naman kung paano mo masasabi na karapat-dapat nang ibigay ang tiwala sa isang tao, sagot ni Judy Ann, “If a person somehow tries to understand what your world is and really try to not fit in, pero genuinely believes na kaya kong pumasok dito.
“Iintindihin ko ‘to at kakayanin ko ‘to, medyo may pagbabago along the way. But you know, I believe, I wanna be with this person. With me and Ryan, parang at some point, pareho kaming naging ganu’n,” chika pa ng award-winning actress.
“‘Yung pareho naming hindi napansin na naga-adjust na kami sa mundo ng isa’t isa though hindi namin siya pinagu-usapan. Hindi namin pinush sa isa’t isa that you have to understand my work, you have to understand where I’m coming from.
“Wala siyang naging ganu’n, ‘yung talagang kinakalibre namin siya on our own, and then we just finally discovered na pareho na kaming nandun sa timezone na ‘yun,” punto pa niya.
“‘Yung naintindihan ko na ‘yung pinanggagalingan niya, naiintindihan niya na rin ‘yung pinanggagalingan ko. May mga issues along the way but we both try to face it together,” pahabol pa ng butihing misis ni Ryan.
Ikinasal ang dalawa sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong April 28, 2009 at biniyayaan nga sila ng tatlong anak — sina Yohan, 16, Lucho, 10, at Luna, 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.