Alden naniniwala sa milagro; may mga katrabaho ring hindi nakasundo
NANINIWALA ang Asia’s Multimedia star na si Alden Richards sa milagro.
Ayon sa Kapuso heartthrob at tunaguriang Pambansang Bae, maraming milagro ang nangyayari araw-araw sa ating paligid na hindi lang natin namamalayan at napapansin.
Sa isang video na in-upload sa YouTube channel ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga”, nagkaroon ng Q&A session si Alden na may titulong “Ask Me Anything” at dito nga niya sinagot ang ilang tanong ng mga Dabarkads.
Isa na riyan ang question kung naniniwala siya na may himala. Tugon ng binata, “There is always a miracle every day, minsan tini-take for granted lang natin ‘yung mga milagro sa buhay natin.
“At hindi natin alam na ‘yung mga simpleng bagay is already considered a miracle,” aniya pa.
Tungkol naman sa isyu ng propesyonalismo sa trabaho, walang masasabi riyan ang lahat ng mga kasama niya sa work dahil nagkakaisa sila sa pagsasabing hinahangaan nila ang kabaitan at pagiging dedicated ni Alden sa kanyang career.
Ngunit inamin naman ng Kapuso Drama Prince na sa 10 years niya sa showbiz, may pagkakataon din na may mga taong hindi naging maganda ang pagtrato sa kanya.
“Sa 10 taon ko sa showbiz, I had a fair share of kasundo and hindi kasundo mga katrabaho.
“Pero at the end of the day, iniisip ko minsan kapag pupunta ako sa set, tapos nandoon ‘yung hindi ko kasundo na katrabaho ko, ako ‘yung magsa-suffer kung I will let that affect me in my work.
“Kaya I’m just gonna be professional about it, hindi ako confrontational kasi pagdating sa ganyan.
“Ewan ko ah, ano lang naman, ako madali ako pakisamahan, magaling naman din naman ako makisama,” paliwanag ng award-winning actor.
Samantala, natanong din si Alden tungkol sa plano niyang pagtatayo ng sariling production company at makagawa ng mga dekalidad pang proyekto at makatulong na rin sa entertainment industry.
“Una sa lahat mahirap kasi, so one step at a time ako, pagdating sa mga ganyang risk, negosyo.
“Ngayon kasi, more on restaurant business. Kung ano po yung puwede magawa on the side, ‘yung mga necessity.
“Napakahirap mag-put up ng business ngayong pandemic na hindi kailangan. So, for me putting up a production company might come later pa yan. Sa latter part ng buhay ko,” paliwanag ng binata.
Sa ngayon, bukod sa kanyang showbiz career, naglalaan din ng sapat ng panahon si Alden para matutukan ang mga naipundar niyang negosyo. Gusto niyang maging hands-on sa mga ito para mas lumawak pa ang kaalaman niya sa pagbi-business.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.