Globe nagbigay ng Libreng Tawag, Charging at WiFi para sa mga residenteng tinamaan ni Auring sa Tandag City | Bandera

Globe nagbigay ng Libreng Tawag, Charging at WiFi para sa mga residenteng tinamaan ni Auring sa Tandag City

- February 23, 2021 - 11:04 AM

Nagsimula na ang Globe na magbigay ng Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng Wifi sa mga residente ng Tandag City, Surigao del Sur na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Auring.

Ang mga libreng serbisyo ay maaaring matanggap sa Telaje Covered Court, Capitol Road (sa harap ng Capitol Building), Tandag City. Ito ay bukas hanggang Pebrero 23 mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. Nagsimula ang Globe na ialok ito Pebrero 22, mula 1 pm hanggang 5 pm. Handa rin ang Globe na magbigay ng mas maraming mga libreng serbisyo sa iba pang mga lugar na apektado ng bagyo kung kinakailangan.

Patuloy ding hinihikayat ng kumpanya ang publiko na kumuha ng mga update at balita tungkol sa bagyo mula sa mga awtoridad at mga lehitimong website lamang para maiwasan ang mga fake news. Bilang tulong, ginawang libre ng Globe ang data access sa website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) https://ndrrmc.gov.ph/ para sa mga customer ng Globe at TM.

Nagbigay din ang Globe sa pamamagitan ng mga distributor partners nito ng mga relief packs para sa 200 pamilyang tinamaan ni Auring.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending