True ba...Aljur Abrenica, Kylie Padilla hiwalay na?

True ba…Aljur Abrenica, Kylie Padilla hiwalay na?

Ervin Santiago |February 23,2021
share this

True ba…Aljur Abrenica, Kylie Padilla hiwalay na?

Ervin Santiago | February 23,2021 - 10:17 AM

TANONG ng madlang pipol: Hiwalay na nga ba ang celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla?

Kalat na kalat na kasi ang chika na may pinagdaraanan umano ngayon ang mag-asawa matapos mapansin ng netizens na binura na ni Kylie ang mga litrato nila ni Aljur sa kanyang Instagram account.

Bukod dito, naintriga rin ang mga social media followers ni Kylie sa sunud-sunod niyang cryptic post na may pinaniniwalaang may kinalaman sa pagsasama nila ni Aljur.

Sa kanyang Instagram Story, ipinost ng anak ni Robin Padilla ang mga katagang, “I’m submissive not stupid.” Na sinundan pa ng mensaheng, “More selflove, babygirl.”

Nakita rin namin ang short video clip na ibinahagi ni Kylie sa IG kung saan makikitang naglalakad siya habang naglalaro naman ang mga anak na sina Alas at Axl. Wala naman sa nasabing video ang tatay ng mga bagets na si Aljur.

Marami rin ang nakapansin sa ipinost na litrato ni Kylie kung saan nakasuot siya ng red dress at nakataas ang dalawang kamay habang nakatingin sa langit. Ang tanging caption niya rito ay, “Free.”

Marami ring netizens ang nakapansin sa isa pang post ng aktres kung saan makikita ang kaliwa niyang kamay na hindi suot ang wedding ring nila ng asawa. Ngunit burado na ito sa kanyang IG page.

Sa Twitter account naman ni Kylie noong Feb. 15 mababasa ang mga mensaheng, “I’ll be okay. I always am. Claim your life not to the standard of society it just gets you in trouble.”

At nitong nagdaang Feb. 17 may tweet din siyang, “Sometimes its so hard to be the better person… but… no there is no but. Its damn hard.”

Samantala, may mga hugot post din si Aljur sa kanyang socmed account nitong mga nagdaang linggo, isa na riyan ang litrato ng kanyang kamay na may hawak na rosaryo.

Kuha ito habang nasa loob ng kotse ang mister ni Kylie at may caption na, “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real.

“Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and guiding me,” sabi pa ni Aljur na sinagot naman ng kapatid niyang si Vin Abrenica na nagsabing makapangyarihan talaga ang pagdarasal.

Sa IG account ni Aljur naroon pa rin ang mga picture nila ng asawa at hindi pa burado.

Isang netizen naman ang nagkomento na isa pang patunay na nay pinagdaraanan nga ang mag-asawa nang mag-isang pumunta si Kylie sa 40th death anniversary concert ng mga Padilla para sa yumao nilang kaanak na si Royette.

May mga tagasuporta naman sina Aljur at Kylie ang nagsabing sana’y magkaayos na ang dalawa kung totoo ngang nagkakaproblema sila kasabay ng dalangin na hindi totoo ang chikang tuluyan na silang naghiwalay.

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December, 2018.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending