Dingdong may gustong ipa-try sa 2 anak: Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro

Dingdong may gustong ipa-try sa 2 anak: Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro

Ervin Santiago |February 22,2021
share this

Dingdong may gustong ipa-try sa 2 anak: Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro

Ervin Santiago | February 22,2021 - 05:11 PM

WALANG katumbas na halaga o kahit anong materyal na bagay para kay Dingdong Dantes ang masubaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak.

Naging emosyonal ang Kapuso Primetime King nang ibahagi niya sa publiko ang ilang kaganapan sa buhay ng kanyang pamilya, partikular na ang mga little achievements ng bunsong anak nila ni Marian Rivera na si Sixto Dantes.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Dingdong ng ilang litrato at excited na ipinagmalaki ang unang pagsakay ni Ziggy sa swing.

“Wala pa kasi siyang one year old nung nagsimula ang lockdown. At first, may takot pero dahil andiyan si Mama, he became comfortable, eventually,” bahagi ng inilagay niyang caption sa IG photo.

Dagdag pa niyang mensahe, “Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro na makakapag-hubog ng development ng isang bata.

“How I wish that we could go back to these outdoor activities, and have the opportunity for our children to freely play with other kids,” pagbabalik-tanaw pa ng award-winning actor sa kanyang kabataan.

Ngunit sabi ng Kapuso actor-TV host, responsibilidad din ng mga magulang na gumawa ng paraan, “to recreate the values of these ‘experiences’ even within the confines of our own homes.”

“All it takes is a little creativity and imagination, no matter how big or small our ‘better worlds’ are. Sabi nga ng HS titser kong si Ser Ron Capinding, ‘Lahat puwede, pero hindi lahat dapat,’” lahad pa ni Dong.

Diin pa niya, “So, puwede naman talaga… pero dapat nang may pag-iingat, kapraningang calculated at isang buong loob na puno ng pagasa — na kaya pa rin nating ibigay ang mga nais at pangangailangan ng mga supling na walang kamuwangmuwang sa mas delikadong mundong kalalakihan nila.”

Samantala, proud na proud din sina Dingdong at Marian sa panganay nilang si Zia na itinuturing nilang super ate dahil sa murang edad ay alam na niya kung paano “mag-alaga” sa kanyang kapatid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending