Matteo muling ibinandera ang pag-ibig kay Sarah sa kanilang 1st anniversary: I love you forever!
MULING ibinandera ni Matteo Guidicelli ang abot-langit na pagmamahal niya para kay Sarah Geronimo sa kanilang first wedding anniversary kahapon, Feb. 20.
Nag-post ang actor-TV host sa kanyang Instagram page ng litrato nila ni Sarah kasama ang mga alaga nilang aso at pinasalamatan ang asawa na aniya’y ang dahilan ng sobrang kaligayahan niya ngayon.
“Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up.
“You continue to inspire me everyday and I just love celebrating life with you. So proud of you my love! I love you forever,” ang caption ni Matteo sa litrato nila ng Popstar Royalty together.
Bago pa sumapit ang kanilang unang anibersaryo bilang married couple, ipinagsigawan na ni Matteo sa buong universe ang feelings niya kay Sarah. Sabi niya sa caption ng isa pa nilang IG photo, “You are my sunshine, my only sunshine.”
Kung matatandaan, ikinasal amg AshMatt noong Feb. 20, 2021 sa isang private ceremony sa Shangri-La at the Fort kung saan din ginanap ang intimate reception na dinaluhan ng pamilya ni Matteo at ilan nilang malalapit na kaibigan.
Kamakailan, nagkuwento rin sa isang panayam si Sarah tungkol sa pagiging asawa ni Matteo. Dito sinabi niyang “rewarding and challenging” ang pagkakaroon ng partner in life.
“The marriage itself is a blessing, an opportunity to spend the rest of your life with your loved one. ‘Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life.
“Challenging kasi sa situation ko, parang ito na ‘yung big leap ko papunta ng adulting. Sinasabi ko nga lagi, na-expedite. Masyado na ngang long-overdue but I guess ito talaga ang plano para sa akin,” pahayag ng singer-actress.
“Rewarding siya dahil ‘yun nga kasama mo ang mahal mo sa buhay, tapos you have the freedom. You get to choose and decide for yourself, not just for yourself but for the both of you. You become one. As one na kayo,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.