Jessy nagbigay ng 5 tips para sa pagpili at pagbili ng pabango: Dapat tatatak sa ibang tao yung amoy mo

Jessy nagbigay ng 5 tips para sa pagpili at pagbili ng pabango: Dapat tatatak sa ibang tao yung amoy mo

Ervin Santiago |February 21,2021
share this

Jessy nagbigay ng 5 tips para sa pagpili at pagbili ng pabango: Dapat tatatak sa ibang tao yung amoy mo

Ervin Santiago | February 21,2021 - 09:20 AM

SIGURADONG maraming natuwa at naka-relate sa bagong vlog ni Jessy Mendiola lalo na yung mga mahilig ding bumili at mag-collect ng iba’t ibang klase ng pabango.

Ipinasilip ng fiancé ni Luis Manzano sa madlang pipol ang kanyang bonggang perfume collection, kabilang na ang iniregalo ng future mother-in-law niyang si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto.

Ayon sa aktres, ang all-time favorite niyang perfume ay ang Chance by Chanel, dahil “sweet” na amoy nito na ka-match ng kanyang natural scent.

“This is my favorite ever. It’s my top one, and it’s also Luis’ favorite. Palagi ko itong ginagamit. If I could use it everyday, I would. It’s sweet and it goes a long way,” chika ni Jessy.

Aniya pa sa nasabing brand ng pabango, “Itong scent na ‘to, habang tumatagal, parang mas lalo siyang bumabagay sa natural scent ko. Medyo pricey siya. Kapag ini-spray mo, as in buong araw na siya nasa sa ‘yo.”

Ipinakita rin niya sa kanyang vlog ang pabango niyang Love Story by Chloe, na gustung-gusto niyang gamitin kapag meron siyang shooting o meeting, “I like it so much because it’s floral and light.”

Ang Galop D’Hermes by Hermes naman na makikita sa kanyang koleksyon ay regalo nga ng mommy ni Luis na si Ate Vi.

Paglalarawan dito ni Jessy, “First time ko siyang maamoy, super sweet niya, medyo may pagka-spicy. Pero hindi siya overpowering.

“Kasi ‘yung pagka-spicy niya, konting konti lang, and ‘yung pagka-sweet niya, ‘yung sa unang spray mo lang super sweet, but as time goes by, nagiging mild na siya. Pwede mo siyang gamitin every day, anywhere, anytime.

“I haven’t used it that much but I’m really, really happy that I discovered this scent through Momskie. So Momskie, thank you so much for this,” pagpapasalamat pa niya sa Star for All Seasons.

Kasunod nito, ipinakita rin ng dalaga sa kanyang mga YouTube subscribers ang unang perfume na binili niya sa pamamagitan ng kanyang paycheck — ang Eclat D’arpege by Lanvin.

“Palagi ko siyang ginagamit kahit nasa bahay. As in everyday. I love this scent so much kasi, it’s very sweet, light. May pagka-vanilla.

“It brings back a lot of memories. Naaalala ko, ito ‘yung amoy ko kapag sumasayaw ako sa ASAP, or sa tapings. Happy ako kapag nakakabili ako ng perfume na ‘to,” chika pa ng magiging misis ni Luis.

Sa bandang huli ng video, nagbigay pa ng ilang tips at payo ang aktres kung paano ang tamang pagpili at pagbili ng perfume.

“Number one is, of course, your price point. Siyempre maraming mga mahal na perfumes, but also marami ring mga affordable. You just really have to go out there and choose what’s best for you,” sey ni Jessy.

“Second is kung ano ‘yung natural body scent mo, doon dapat babagay ‘yung perfume na bibilhin mo. Ako, it just so happens na ang bagay sa akin ay floral scent.

“Pangatlo naman, make sure you have variety. Siyempre, nag-iiba-iba ‘yung mood nating lahat. You don’t have to have so many perfumes, but at least, you know, two or three, okay na ‘yun. Basta meron kang variety for each occasion, for date night, for work, or simply at home na pwede mong magamit,” lahad pa ng engaged actress.

At para sa panghuli niyang perfume advice, “If you have that one scent na super super favorite mo, don’t let go of it. Kasi, when you meet a person at naamoy ka nila, ‘yun ‘yung scent na tatatak sa kanila.

“Another is, para sa akin, I like to buy some of my scents in travel size. Mahirap kapag nagdala ka ng malalaking bottles kapag out and about ka. Mabigat ‘yun sa bag mo,” pahabol pa ni Jessy Mendiola.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending