Epy, Carlo, Martin, Liezel naghahanda na bilang mga kontrabida sa 'Voltes V' | Bandera

Epy, Carlo, Martin, Liezel naghahanda na bilang mga kontrabida sa ‘Voltes V’

Ervin Santiago - February 16, 2021 - 07:01 PM

NAPILI na rin ng GMA 7 ang dalawa pang aktor na gaganap bilang kontrabida sa inaabangang live action series version ng “Voltes V: Legacy.”

Pagkatapos ipakilala sina Martin del Rosario at Liezel Lopez  bilang si Prince Zardoz (leader ng Boazania) at Princess Zandra, ibinandera na rin ng Kapuso network kung sino pa ang mga kontrabida sa programa.

Si Epy Quizon ang maswerteng nakuha bilang si Zuhl, ang scientist na naka-discover ng Anti-Super Electromagnetic Device na pinaniniwalaang magpapabagsak kay Voltes V.

Gaganap naman si Carlo Gonzalez sa “Voltes V: Legacy” bilang si Draco, ang heneral na may tatlong sungay na ipadadala sa mundo kasama sina Zardoz at Zandra.

Sa panayam ng “Chika Minute” inamin ni Epy na bigla raw siyang  bumalik sa kanyang kabataan dahil sa “Voltes V.”

“This is unique because it’s from my childhood. Nilalaro ko ‘yung Voltes V e di ba so to be part of the ‘Voltes V: Legacy,’ it’s not just an honor. Bumalik ‘yung pagkabata ko,” ayon sa magaling na aktor at kontrabida.

Dagdag pa niya, “Actually, when I first saw the trailer, hindi ko inisip na gawa dito kaya nagulat ako nung sinabi na ‘Uy, kasama ka sa Voltes V.’ Sabi ko ‘Ha? Filipino ‘yon?’ Sabi ko wow! Ang galing ng mga Filipino artists.”

Samantala, nagpahaba naman ng kanyang balbas si Carlo bilang bahagi ng paghahanda niya sa serye, “Malaking tulong ‘yung quarantine dahil talagang I don’t need to go out anymore so talagang bahay lang ako. I don’t have to groom it.”

Last week, ibinandera ng GMA ang limang Kapuso stars na bubuo sa Voltes V team — sina Miguel Tanfelix  bilang Steve, Ysabel Ortega bilang Jamie, Radson Flores as Mark, Matt Lozano as Big Bert at si Raphael Landicho na siyang gaganap bilang Little John.

Siguradong ngayon pa lang ay naghahanda na ang buong cast at production sa pagsisimula ng kanilang taping, lalo na sa maaaksyon nilang eksena.

Ang “Voltes V: Legacy” ay sa direksyon ni Mark Reyes at malapit nang mapanood sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending