KMJS binayaran agad ang TF ni Ate Gay matapos maningil sa socmed
NAGBUNGA ang talak ni Ate Gay sa Twitter dahil agad-agad nagbayad ang pamunuan ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nag-rant kasi si Ate Gay sa Twitter noong Martes dahil hindi pa siya bayad sa ilang Kapuso shows.
“Aos gma7 dalwang guesting ko di pa po ako nababayaran. yung sa jessica soho isang guesting wala pa din po. yung sa youLol wala pa din po last year pa yun.. plzzzzz,” tweet ni Ate Gay.
Tila tinablan ng hiya ang show ni Jessica Soho at in-announce ni Ate Gay sa Twitter din na nagbayad na ito through G-cash.
“Ayy oh…salamat sa inyo. nabayaran na ako agad-agad ng Jessica soho…AOS nlang at Youlol,” tweet ni Ate Gay.
First time naming nakarinig na hindi pa nagbayad or na-delay ang bayad ng GMA show sa isang celebrity guest nila. Anyare?
* * *
Mas mabibigat na hamon at mas maigting na kumpetisyon ang nag-aabang sa singers na lalaban sa “Tawag ng Tanghalan” dahil sa bagong mechanics na susundin sa ikalimang taon ng kumpetisyon simula ngayong linggo sa “It’s Showtime.”
Kada Lunes, apat na contestants ang magtatagisan at ang dalawang makakakuha ng pinakamataas na scores mula sa mga hurado ang magmamay-ari sa dalawang “spotlight” at aabante sa susunod na araw. Tuluyan namang magpapaalam na sa kumpetisyon ang dalawang may pinakamababang scores.
Mula Martes hanggang Biyernes naman, dalawang panibagong kalahok ang papasok at maglalaban sa unang round. Ang contestant na may mas mataas na score sa kanilang dalawa ang uusad sa ikalawang round para hamunin ang dalawang spotlight holders sa isang three-way battle.
Matinding bakbakan din ang dapat na abangan tuwing Sabado dahil ang dalawang contestants na nagmamay-ari sa spotlight ang magtutunggali sa dalawang rounds para makuha ang mas mataas na hurado score at tanghaling weekly winner.
Kada araw naman, makakatanggap ng tig-P10,000 bilang premyo ang contestants na may pinakamataas na scores. Noong Lunes (Peb. 8), sina Cherry Rose Amorin ng Cavite at Froilan Cedilla ng Laoag City ang mga unang nagmay-ari ng spotlight sa ikalimang season ng “Tawag ng Tanghalan.”
Samantala, pwede ring maging hurado at manalo ng papremyo ang viewers sa kanilang mga bahay sa pamamagitan ng pagpo-post sa Twitter o Facebook ng comment gamit ang official hashtag of the day kasama ang pangalan ng “Tawag ng Tanghalan” contestant na sa tingin nila ay makakapasok sa top two. Isang maswerteng viewer naman ang pipiliin kada araw at magwawagi ng P5,000.
Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.