Alex, Mikee napaamin ni Toni kung sino ang mas 'creative' sa kama; 3 ang gustong maging anak | Bandera

Alex, Mikee napaamin ni Toni kung sino ang mas ‘creative’ sa kama; 3 ang gustong maging anak

Reggee Bonoan |February 07,2021
facebook
share this

Alex, Mikee napaamin ni Toni kung sino ang mas ‘creative’ sa kama; 3 ang gustong maging anak

Reggee Bonoan - February 07, 2021 - 07:54 PM

“IKAW talaga ang para kay Alex (Gonzaga) kasi naiintindihan mo siya,” ang sabi ni Toni Gonzaga sa asawa ng kapatid na si Mikee Morada sa vlog nito.

Ang video ay may titulong “What Alex Discovered About Mikee After Their Wedding” na mapapanood sa kanyang “Toni Talks” YouTube channel.

Sagot ni Mikee kay Toni, “Sa tingin ko kaya napapahamak siya kasi sobrang honest niya. Hindi siya (nagpi-filter sabi ni Toni), sobrang diretso.”

Isang araw pagkatapos ng kasal ay naging laman ng balita si Alex dahil sinagot niya ang tweet na nagpapanggap na si Mommy Pinty Gonzaga.

Ayon sa tweet, “Congrats to my dearest bunso, Catherine Gonzaga-Morada! May asawa ka na, sana mature ka na din. I love you, bunso, putukan na!!!”

“Anong puwede, tapos na!” ang sagot naman ni Alex na ikinaloka ng pamilya ng aktres-vlogger.

Sa tanong ni Toni kung nagalit si Mikee, “Hindi naman masyado.”

“Hindi siya na-offend, na-offend siya do’n sa pandesal,” say ni Alex. Ito ‘yung TikTok ng wifey ni Mikee na nilagyan ng pandesal ang dibdib niya.”

“Hindi naman na-offend nagalit ako parang ‘ano ba ‘yan? Ano ba ‘yang ginagawa mo kasi ‘yun private ano na ‘yun,” katwiran ng hubby ni Alex.

Sabay hirit ng kapatid ni Toni, “Wala namang nakita pandesal lang din.”

Sa tanong ni Toni kung nagiging cause ba ng away ng mag-asawa ‘yung mga ganu’n bagay, “Depende, papanoorin ko talaga more than 10 times. Titingnan ko pag pina-pause ko baka may makita, wala naman,” paliwanag ni Mikee.

“Lets play this game, how well do you know each other,” sabi ni Toni.

What makes your partner smile? “Si Mikee, if you make time for him,” say ni Alex.

“Ah sa gift, mahilig ‘yan sa gift,” nakangiting sabi ni Mikee na ikinatawa ng asawa.

Ano ang love language ni Alex? “Mga regalo, ‘yan mga gift,” say uli ni Mikee.

Natawang sabi ni Toni, “Materialistic ha! Ha-hahaha.”

“Si Mikee naman service,” say ni Alex.

If you could give your partner one thing in this world, what is it?

“Kay Mikee, baby.  ‘Yan ang magpapasaya sa kanya,” sabi ni Alex

If you’re partner can have dinner with one famous person, who is it?

Gusto ni Alex, “Pablo Picasso saka si Beethoven, feeling!” natawang sabi ni Mrs. Morada.

At si Mikee, “Lebron James (Los Angeles Lakers).

If your partner can watch one show for the rest of his life in Netflix, what is it?

“Si Mikee wala, walang series na papanoorin ‘yan,” sambit ni Alex

Say naman ni Mike, “Siya Sex in the City.”

Tanong ni Toni sa kapatid, “Ito naman nakakaasar, ‘yun talaga?”

“Oo, sinabi na nga niya nu’ng isang gabi, sabi niya ‘ano ba hindi na ba tayo nagsawa diyan?’ Sabi ko, ‘ibang season na ‘to,” saad ni Alex.

Tumawa si Toni sabay sabing, “Hanggang ngayon, si Mikee na ang kasama mo sa kuwarto.”

Has your husband ever cried while watching a movie or reading a book recently?

“Ito? Wala ‘to. Has your husband has ever slept in a movie, araw-araw pero para maiyak siya hindi (nangyari) dahil bago matapos (tulog na),” pambubuking ni Alex sa asawa.

What’s one thing that you cannot seem to agree on? “Movie” ang parehong sagot ng mag-asawa.

“Kasi inaabot na kami ng 30 minutes sa Netflix wala pa kaming napipili,” say ni Mikee.

“Kasi mga gusto niya ayoko mga Tagalog. Tulad nu’ng kay Vhong Navarro. Tapos sabi niya, ‘Amnesia Girl’ na lang panoorin natin.’ Ano ba sawa na ako diyan,” iritang sabi ni Alex.

“Bakit naman kasi Amnesia Girl, e, kapatid niya ‘yun,” tanong naman ni Toni sa bayaw.

“E kasi gusto ko nare-relax ako,” saad ni Mikee.

“Ending ang pinanood namin, Zombadings,” say ni Alex.

What’s your partner most cherished clothing? “Cap and polo shirt si Mikee,” sagot ni Alex.

“Nu’ng bago palang kaming nagdi-date akala nila, ginagaya niya si Paul (Soriano), pero ‘yung mga kaibigan niya, alam na alam na ‘yun talaga si Mikee, cap and polo shirt since day one,” kuwento ng asawa ng konsehal ng Lipa City, Batangas.

Dagdag pa, “Ang difference lang nila, si Mikee nagge-gray, nagne-navy (blue) siya. Si Paul talaga black.”

“Jewelry,” sagot naman agad ng asawa ni Alex.

How many kids do you want? “2-3,” sagot ng celebrity couple.

Most embarrassing experience as a couple? “Nahuli tayo ni Sophie (yaya). Ewan ko kay Sophie, may asawang tao na ako, ginagamit ang susi. Pag hindi sumasagot at hindi sinabing pasok, kinuha pa talaga niya ang key,” kuwento ni Alex.

“May nakita ba?” tanong ni Toni sa dalawa.

“Wala naman,” saad ni Mikee.

What adjective best describes your partner in bed? “Si Mikee experimental. Ha-hahaha! O, sige creative.”

Tumatawang sabi ni Mikee, “Feeling. Siya (Alex) routine. Paulit-ulit.”

“Puro ‘yun lang alam, paulit-ulit susme, uy ‘wag kang ganu’n,” sabi ulit ni Toni sa kapatid.

“Kaya nga siya creative, eh,” say naman ni Alex.

Which song precisely defined Catherine in bed? “Nandito Ako.”

“Yan lang kasi ang alam niyang kantahin simula two years old siya,” pambubuking ni Alex sabay pakita ang video.

Describe your partner when you wake up in the morning? “Bad breath (sabay tawa ng dalawa). Loveable, ang sarap (panggigilan),” say ni Mikee sa asawa. “Funny” naman daw ang asawa ni Alex.

How do you express your love for each other? “I always kiss Mikee all the time,” sabi ni Alex habang nakatingin sa asawa.

“Ako talaga time para sa kanya,” sabi naman ni Mikee.

Sa tanong naman kung ano ang naging ultimate reason para makipag-commit sila sa isa’t isa, sabi ni Alex, “Basta ako naniniwala na sa haba man ng prusisyon, mayroong magdadala sa ‘yo sa simbahan, he was the one who is willing to commit and bring me to the altar. Kaya siya ang pinipili kong samahan kasi una sa lahat, siya ‘yung pumili sa akin.”

At dito na nabanggit ng aktres-vlogger na si Piolo Pascual ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Mikee dahil magkaibigan ang dalawa at laging kinukulit ng huli na ipakilala siya kay Alex na hindi naman nangyari agad.

Feeling kasi ni Mikee magki-click sila ni Alex kaya gustung-gusto niyang makilala ang napangasawa. Sinabi raw ni Mikee nang makita si Toni, “That’s my future sister in law.”

“Hindi ko alam pinaplantahan na pala niya ako, pero dumating siya nu’ng sabi ko kay Lord na asan na ba?” sabi ni Alex.

Naiiyak na kuwento nito na maraming nagsabi kay Mikee na huwag na raw si Alex at maraming kasiraang narinig pero hindi niya pinansin kaya super thank you ang aktres sa asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending