Pagpasok ng mga dayuhan sa bansa, luluwagan na
Simula sa Pebrero 16, luluwagan pa ng Inter-Agency Task Force ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan na mayroong valid visa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya ang pamahalaan na magpatupad ng relax travel restrictions sa mga dayuhan na na-isyuhan ng visa noong March 20, 2020 at balido pa rin hanggang sa time of entry sa Pilipinas.
“Tourists not allowed still unless with exemption,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, kinakailangan lamang na mayroong pre-booked na accommodation ng anim na gabi sa isang accredited quarantine hotel o facility; kinakailangang mag-test ng Covid-19 sa quarantine hotel o facility sa ika-anim na araw; at kailangan silang magkaroon ng maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry.
“Itong expanded list ay without prejudice sa mga umiiral na immigration laws, rules and regulations. Ang Commissioner of Immigration ay merong ekslusibong prerogative na makapag-decision tungkol sa waiver or recall the exclusion orders ng lahat ng dayuhan na pumapasok,” pahayag ni Roque.
“Holders of valid and existing Special Resident Retiree’s Visa and Section 9(A) visas will also be permitted to enter the Philippines as long as they present an entry exemption document to the Bureau of Immigration upon arrival,” pahayag ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na ang Commissioner ng Bureau of Immigration ang mayroong exclusive prerogative sa pagpapasya kung iwi-waive o ire-recall ang pagpasok ng isang foreign national sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.