Pekeng hubo't hubad na litrato ni Barbie Imperial kalat na: Grabe, sobrang stupid naman! | Bandera

Pekeng hubo’t hubad na litrato ni Barbie Imperial kalat na: Grabe, sobrang stupid naman!

Ervin Santiago - February 01, 2021 - 02:59 PM

PAGKATAPOS “babuyin” ang mga Kapamilya youngstars na sina Maris Racal at Sue Ramirez, si Barbie Imperial naman ang nabiktima ng mga manyak sa social media.

Kalat na kalat na ngayon sa internet ang pekeng nude photo ni Barbie na siya naman ngayong pinagpipiyestahan ng mga netizens, lalo na ng mga kalalakihan.

Sa kanyang Instagram account, ni-repost ng dalaga ang original photo na siyang in-edit ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang mambastos ng mga kababaihan.

Ayon kay Barbie, in-upload niya ito sa IG noong March, 2020 kung saan makikita ang dalaga suot ang kanyang neon bikini na kuha sa isang beach resort sa San Juan, La Union.

Aniya sa caption, “Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo).
“Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this?” ang bahagi ng kanyang caption.

Dagdag pa niya, “Sa lahat ng nagshashare nito, ANG LALA NYO. And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG.

“Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo?” mensahe pa ng girlfriend ni Diego Loyzaga na wala pang inilalabas na pahayag hinggil sa pambabastos kay Barbie.

“Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?! Itigil nyo na, wala kayong ambag,” ang pambabasag pa ng Kapamilya actress sa mga taong nagpakalat ng kanyang photoshopped na bikini photo.

Kinondena naman ng mga IG followers ng dalaga ang pagpapakalat ng nasabing pekeng hubo’t hubad na litrato kabilang na ang ilan niyang malalapit na kaibigan sa showbiz tulad nina Ara Mina, IC Mendoza, Sue Ramirez at marami pang iba.

Kamakailan lang ay nanggagalaiti rin sa galit ang mag-BFF na sina Sue at Maris matapos kumalat ang kanilang fake nude photos.

Sabi ni Maris, “Kung sino man ang nag-edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na.”

Pahayag naman ni Sue, “Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo.

“At ‘wag tanga pls. ‘Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. Hindi kayo pinalaking uto uto. Pls lang.

“Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang pambababoy na ito,” aniya pa.

Naglabas din ng official statement ang ABS-CBN at Star Magic tungkol sa issue kasabay ng babala na kakasuhan nila ang mga taong nasa likod nito.

“ABS-CBN and Star Magic condemn the act of illegally manipulating photos of celebrities or anyone, which is a form of gender-based online sexual harassment under RA 11313 or The Safe Speaces Act.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We would like to appeal to everyone to stop sharing these fake photos… Everyone should be treated with dignity and respect, even on social media,” pahayag ng Kapamilya network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending