Hindi ko makakalimutan ‘yun Coco, nagpakumbaba ka sa akin... Bandera

Hindi ko makakalimutan ‘yun Coco, nagpakumbaba ka sa akin…

Reggee Bonoan |January 31,2021
share this

Hindi ko makakalimutan ‘yun Coco, nagpakumbaba ka sa akin…

Reggee Bonoan | January 31, 2021 - 05:03 PM

SA nakaraang kaarawan ni Willie Revillame ay may video greeting si Coco Martin na umere sa “Wowowin” at dito naikuwento ng TV host ang pagiging humble ng aktor nang magpunta sa rest house niya sa Tagaytay.

“Si Coco Martin, hindi man kami close, pero there was a time nasa Tagaytay ako, pumunta ho ‘yan kasama si John Estrada.

“He went there para sabihan ako, ‘Kuya Willie, idol ko po kayo.’

“A humble guy, Coco Martin. Isipin mo, hindi pa siya ‘Ang Probinsyano’ noon pero there was a time gusto lang niya ako ma-meet. Hindi ko makakalimutan ‘yun, Coco, nagpakumbaba ka sa akin,” pahayag ni Willie.

Kaya raw nagpunta si Coco sa bahay niya ay para makita ang bahay at mga furniture nito dahil gusto nitong gayahin sa bahay na ipinatayo niya ngayon na mala-resort sa isang eksklusibong subdibisyon sa Quezon City.

“Gusto mo lang ako makilala at gusto mong makita yung bahay ko sa Tagaytay at gagayahin mo ‘yung mga furniture at di ba tinanong mo sa akin kung sino ang nag-garden niyan, nag-landscape?” kuwento ng birthday boy.

                             * * *

“Hindi ‘yan, tikiman lang ‘yan,” ang sagot sa amin ng taong close sa aktor na kasalukuyang may dine-date ngayong personalidad.

Matagal na kasing walang girlfriend ang aktor at ang personalidad na lagi niyang kasama ay wala ring karelasyon dahil mas gusto nitong mag-focus muna sa career at negosyo ng pamilya.

At dahil laging napagkikita ang aktor at personalidad sa mga lakaran out of town ay natanong namin ang taong malapit sa una at sabi nga niya ay hindi naman seryoso ang relasyon ng dalawa.

Sa madaling salita, walang label ang relasyon nila.

“Pag nagkita, e, di sila. Pag hindi, e, di wala. Saka hindi naman uso ang label ngayon lalo na kay _____ (aktor), alam mo naman di ba?

“Basta’t pareho silang nag-eenjoy at hindi naman nila pinababayaan ang career nila ay dedma ang managers nila. Pero pag nag-suffer na ang career nila, alam mo na,” kuwento ng taong malapit sa aktor.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending