Paolo dumiskarte sa garahe para mapasaya si Baby Summer; Richard sumabak sa 'TBATS' challenge | Bandera

Paolo dumiskarte sa garahe para mapasaya si Baby Summer; Richard sumabak sa ‘TBATS’ challenge

Ervin Santiago - January 29, 2021 - 01:01 PM

PARA-PARAAN lang yan!

Umiral na naman ang pagiging creative at maparaang tatay ng Kapuso actor na si Paolo Contis para lang mapasaya ang anak na si Summer.

Ngayong bawal pa rin ang mga bata na gumala-gala sa mga park at iba pang pampublikong pasyalan dulot ng COVID-19 pandemic, nag-isip ng paraan si Paolo para kahit paano’y mabigyan ng bagong pagkakaabalahan ang anak nila ni LJ Reyes.

In fairness, nagtagumpay naman ang “Bubble Gang” star na makagawa ng “mini park” sa mismong garahe ng kanilang bahay.

Sa latest YouTube vlog ng aktor, sinabi ni Paolo na Christmas gift niya kay Summer ang ginawang indoor playground.

Aniya, matagal na ring naglalaro ang anak sa kanilang garahe pero may pagkakataon na nasusugatan ang bata kapag nadadapa. Kaya naisipan niyang bigyan ng bonggang transformation ang garahe.

“Nu’ng pandemic siyempre itong mga bata hindi na sila makalabas, isa sa mga nawala sa kanila ay ang pagpunta sa park,” sabi ni Paolo.

“Naisip ko na kung si Summer ay hindi makapunta sa park, might as well bring the park inside our home,” anang Kapuso actor.

Ginawa nga niya itong instant playground with matching artificial grass para na rin sa safety ng anak. Nilagyan din ito ni Paolo ng playhouse, seesaw, slide climbers at kabayu-kabayuhan.

Chika pa ng dyowa ni LJ, ilang araw din nilang hindi inilabas sa garahe si Summer habang ipinagagawa ni Paolo ang playground. Nais daw kasi nilang sorpresahin ang bagets.

Kaya naman nang bumulaga sa bata ang playground na kinarir ng kanyang daddy Paolo ay kitang-kita ang excitement at kaligayahan nito  na sabi nga ni Paolo ay walang katumbas na anumang halaga.

* * *

Ngayong Linggo na mapapanood ang inaabangang pagsugod ng bagong Kapuso na si Richard Yap sa top rating comedy show na “The Boobay And Tekla Show” sa GMA 7.

Ito’y bahagi pa rin ng second anniversary ng programa na talaga namang pinaghandaan nang bonggang-bongga nina Boobay at Super Tekla.

Game na game na sinagot ni Richard ang mga nakakalokang queations ng Kapuso comic duo sa segment na “May Pa-PressCon,” kabilang na ang mga tanong tungkol sa love, sex, and relationship.

Nag-share rin ang aktor ng ilang helpful tips on how to stay fit and healthy.

Sa “Dear Boobay and Tekla” naman, Richard, together with our hosts will try to help solve some personal problems sent through e-mail by our letter senders.

And finally, sa “Wag na ‘Wag Mong Sasabihin,” dalawang teams ang magtatagisan sa isa na namang bagong game na susubok sa kanilang katalinuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joining Boobay and Tekla are The Mema Squad: Boobsie, Skelly, Chichirita, and Pepita Curtis. “The Boobay and Tekla Show” airs every Sunday evening right after “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA lang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending