Anne hinding-hindi iiwan ang Showtime: But for now, mommy duties lang ako | Bandera

Anne hinding-hindi iiwan ang Showtime: But for now, mommy duties lang ako

Ervin Santiago |January 24,2021
facebook
share this

Anne hinding-hindi iiwan ang Showtime: But for now, mommy duties lang ako

Ervin Santiago - January 24, 2021 - 10:58 AM

MARAMING nagtatanong kung babalik pa ba si Anne Curtis sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime”.

Hanggang ngayon ay nasa Melbourne, Australia pa rin ang TV host-actress kasama ang asawang si Erwan Heussaff at ang panganay nilang si Baby Dahlia Amelie.

Doon na namalagi ang pamilya ni Anne matapos manganak noong March, 2020. Hindi na sila nakabalik ng Pilipinas mula nang ipatupad ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

Kaya naman mahigit isang taon na rin siyang hindi napapanood sa “Showtime” bilang host. Aminado si Anne na super miss na miss na niya ang Pilipinas at ang mga kapamilya niya sa programa pero sa ngayon, wala pa talaga siyang balak magbalik-showbiz.

Sa kanyang Twitter account, sinagot ni Anne ang isa niyang follower na nagtanong kung kailan siya babalik sa noontime show ng ABS-CBN o kung magbabalik pa ba siya?

Ito ang diretsahang sagot ng aktres, “As I told my Showtime family during a private conversation, I will never leave It’s Showtime.

“Been with them since day 1 and will be them until the day comes that the show has to say goodbye. But for now, mummy duties lang ako,” aniya pa.

Isa si Anne sa mga original host ng “It’s Showtime” kasama sina Vice Ganda at Vhong Navarro mula noong nagsimula itong umere taong 2009. Huli siyang napanood sa programa noong December, 2019 bago siya mag-maternity leave.

Kuwento ni Anne sa isang panayam, biglaan ang naging desisyon nila ni Erwan na magtungo sa Australia para doon niya ipagpatuloy ang pagbubuntis hanggang sa siya’y makapanganak.

“I’ve already chosen a doctor and a hospital here. Last minute, I decided na parang I was working so hard kasi.

Hindi nila ako mapigilan mag-work. I felt na one way that will really get me to stop working is to be in Australia,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Anne, “And major factor din kasi was being with my mom since it’s the first baby and having her help me through it, parang doon na lang ako kasi mas tahimik. I can really just focus sa first few weeks, months on my baby daughter’s life.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, sa lahat ng fans ni Anne, abang-abang na lang muna sa kanyang pagbabalik dahil mukhang magtatagal pa siya sa Australia dahil ang baby na muna nila ni Erwan ang gusto niyang pagtuunan ng pansin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending