Si Darna lang pala ang makakapatay kay Cardo Dalisay | Bandera

Si Darna lang pala ang makakapatay kay Cardo Dalisay

Reggee Bonoan |January 23,2021
facebook
share this

Si Darna lang pala ang makakapatay kay Cardo Dalisay

Reggee Bonoan - January 23, 2021 - 03:42 PM

Maraming naiinip na sa aksyon-seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil kailan daw ba ito matatapos at nagsasawa na ang iba dahil limang taon na ito sa darating na Agosto 2021.

Pero sa episode ng “Ang Probinsyano” nitong Biyernes, Enero 22 ay duguan at namatay na sina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Alyanna (Yassi Pressman) matapos na kapwa tadtarin ng bala sa kanilang katawan. Ngayon, marami naman kaming nabasang nagalit dahil bakit daw namatay na ang dalawa.

Ang taas ng viewership ng episode na ito at trending pa dahil nga usap-usapan kung mamatay na ba talaga si Cardo o maililigtas pa.

Kaya ano ba talaga ang inabangan ng tao–ang pagpatay kay Cardo o ang pagpasok ni Jane de Leon bilang si Police Captain Lia Mante, ang sniper na nakaabang sa ulo ni Dalisay?

Nang akmang tatapusin na ni Jane ang pinuno ng Task Force Aguila ay pinigilan siya ni Geoff Eigenmann bilang si Major Albert de Vela na tila may ibang motibo rin.

Ang eksenang nabaril sina Cardo at Alyana ay masyadong cinematic ang dating dahil nang pareho silang duguan na ay pinilit nilang maglapit at maghawak kamay at sabay pakita ng eksenang ikinasal sila at nangako sa isa’t isang magmamahalan sila hanggang sa kabilang buhay.

Anyway, malakas ang dating ni Jane dahil may nagsabing senior citizen, “Si Darna lang pala ang makakapatay kay Cardo Dalisay, imagine after 5 years.”

In fairness, Darna na ang tawag kay Jane. At least may recall na siya kahit hindi pa siya napapanood talagang lumipad dahil sa hindi natuloy na shooting ng pelikula niya at inaabangan naman na kung kailan ang taping niya para sa TV series niya.

Napansin din naming mabilis ng kumilos ang aktres at may mga acton scene na kaya hindi nasayang ang training niya noon para sa Darna.

Samantala, ang episode nitong Enero 21, Huwebes ay umabot sa 80,000 ang live viewers sa YouTube bukod pa sa live viewers sa Facebook.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending