Mocha dinenay na nabuntis ni Robin; may patama sa kampo ni Robredo
MARIING itinanggi ni Deputy Administrator for Membership Promotion, OFW Family Welfare, and Media Relations of the Overseas Workers Welfare Administration, Mocha Uson na nagdadalang-tao siya.
Mabilis na kumalat sa social media ang balitang buntis si Mocha o Esther Margaux Justiniano Uson sa tunay na buhay, at ang itinuturo umanong ama ay si Robin Padilla na pareho ni Mocha ay kilalang supporter din ni Presidente Rodrigo Duterte.
Nag-post ng video si Mocha sa kanyang Facebook page ng kanyang pag-eehersisyo hawak ang dumbbell at nakasuot ng sports bra at leggings sabay pakita ng flat na flat niyang tiyan.
Ang caption dito ni Mocha ay, “BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN Wala pong katotohanan ‘yang tsismis na ‘yan. Napakabait po nu’ng tao.
“Nakakahiya naman kay idol Robin (Padilla) at Mariel (Rodriguez-Padilla). Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay ‘yung mga bitter sa ating gobyerno.
“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo (Bise Presidente Leni) kaya kung anu-anong paninira ang iniimbento nila.
“Lunch break! Workout na muna tayo!” aniya pa.
Naglabas na rin ng saloobin si Mariel at tinawag na “baseless gossip” ang isyu kina Robin at Mocha. Nanawagan din siya ng respeto dahil nagluluksa pa ngayon ang asawa dahil sa pagkamatay ng kuya nitong si Royette Padilla.
“Let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life.
“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW.
“May oras para maging assholes now is not that time. Please,” pakiusap ni Mariel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.