Mariel binasag ang tsismis kina Robin at Mocha: Please lang po, namatayan ng kapatid ang asawa ko... | Bandera

Mariel binasag ang tsismis kina Robin at Mocha: Please lang po, namatayan ng kapatid ang asawa ko…

Ervin Santiago |January 22,2021
facebook
share this

Mariel binasag ang tsismis kina Robin at Mocha: Please lang po, namatayan ng kapatid ang asawa ko…

Ervin Santiago - January 22, 2021 - 09:16 AM

“I AM putting a stop to this now!”

Yan ang matapang na mensahe ni Mariel Rodriguez sa mga nagpapakalat ng fake news na may nabuntis daw na female celebrity ang asawa niyang si Robin Padilla.
May nagpapakalat kasi ng tsismis ngayon na nabuntis umano ni Binoe ang singer-actress na si Mocha Uson, base na rin daw sa ilang blind item na nababasa sa social media.

Parehong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha at ang dating action star at ilang beses na ring na-link noon ngunit pareho nilang pinabulaanan ang mga tsismis.
Ilang netizens ang nagtatanong kay Mariel kung ano ang reaksyon niya rito. May isa pa siyang follower sa Instagram na diretsahang inusisa ang TV host tungkol sa nasabing chika.

“Sis ano masasabi mon a buntis daw si Mocha at si Robin ang tatay???” ang tanong-komento ng netizen sa isang IG post ni Mariel kung saan ibinalita nga niya na malaki na ang nabawas ngayon sa kanyang timbang.

Sa halip na magpaliwanag, tatlong laughing with tears emoji lang ang isinagot sa kanya ni Mariel. May mga netizens naman ang nagtanggol kay Binoe at nagsabing fake news ang buntisan issue sa kanila ni Mocha kaya huwag daw basta-basta maniwala sa mga nababasa nila sa social media.

Kasunod nito, tila nabwisit at naalarma na rin si Mariel sa dami ng mga nagtatanong sa kanya tungkol sa isyu kaya nag-post na siya ng paglilinaw about this kasabay ng pakiusap na irespeto naman ang pagluluksa ng kanyang asawa.

Kamamatay lang kasi ng nakatatandang kapatid ni Robin na si Royette Padilla at hanggang ngayon ay malungkot na malungkot pa rin ang aktor sa biglaang pagkawala ng kanyang utol.

Ipinost ni Mariel sa IG ang litrato ni Robin na kuha sa lamay ni Royette at nilagyan ng caption na, “So many people are sending me messages… ‘checking on me. People are tagging me bla bla bla…

“Let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life,” aniya pa.
Nakiusap na rin ang TV host na tigilan na ang pang-iintriga sa asawa, “He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po.

“He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW.

“May oras para maging assholes now is not that time. Please,” sabi pa ni Mariel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending