Piolo balik-ABS matapos mamaalam ang show sa TV5; Maja pwede pa kayang maging Kapamilya? | Bandera

Piolo balik-ABS matapos mamaalam ang show sa TV5; Maja pwede pa kayang maging Kapamilya?

Reggee Bonoan |January 18,2021
facebook
share this

Piolo balik-ABS matapos mamaalam ang show sa TV5; Maja pwede pa kayang maging Kapamilya?

Reggee Bonoan - January 18, 2021 - 05:45 PM

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nabanggit ng aming source na nakatakdang mag-promote si Piolo Pascual sa ABS-CBN ng music video niyang “Iiyak sa Ulan”.

Noong Oktubre, 2020 pa na-release ang bagong single ng singer-actor pero ngayon lang siya makakapag-promote sa Kapamilya Network.

Hindi kasi makapag-promote noon ang aktor sa ABS-CBN dahil nasa TV5 pa siya para sa weekly show na “Sunday Noontime Live” kasama sina Maja Salvador, Donny Pangilinan, Ricci Rivero, Jake Ejercito at Catriona Gray.

Pero ngayong namaalam na ang programa sa TV5 nitong Linggo, Enero 17 ay balik na sa ABS-CBN si Papa P. Ito naman talaga ang usapan nila ng nga boss ng network, na anytime ay maaari siyang bumalik sa istasyon.

Ang “Iiyak Sa Ulan” ang lead single para sa all original album niya mula sa ABS-CBN Music na posibleng maging soundtrack pa ng isa sa mga bagong teleserye ng network na ipalalabas ngayong 2021.

Sina Kurt Padilla at Ren Maximo ang kumuha ng music video at si Binibining Joyce Bernal naman ang nag-edit mula sa panulat at musika ni Dan Lagroma at ipinrodyus ni Jonathan Manalo.

Samantala, may pelikula ngayon si Piolo kasama si Jasmine Curtis-Smith na ang working title ay “Real Life Fiction” mula sa Viva Films at Ten17Productions sa direksyon ni Paul Soriano na ngayong 2021 na nakatakdang ipalabas.

Speaking of “Sunday Noontime Live”, may nagtanong sa amin kung makakabalik pa ba si Maja sa ABS-CBN.

Sa pagkakaalam namin ay nagpaalam din nang maayos si Maja sa mga boss ng Kapamilya Network at sabi naman niya noon na sasamahan lang niya ang “tatay” niya sa TV5 na si Mr. M o Johnny Manahan na dating consultant ng Star Magic.

Abangan na lang natin kung muling magso-showdown sina Maja at Kim Chiu sa “ASAP.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending