Alden binalikan ang buhay-audition: Bilang galing-probinya, sobrang insecure ako pag nasa Maynila | Bandera

Alden binalikan ang buhay-audition: Bilang galing-probinya, sobrang insecure ako pag nasa Maynila

Ervin Santiago - January 17, 2021 - 12:18 PM

 

BINALIKAN ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang hirap at sakripisyo na pinagdaanan niya noong panahong nag-o-audition siya sa mga TV commercial.

Sa episode kahapon ng laging trending na “Bawal Judgmental” sa Kapuso noontime show na “Eat Bulaga” sumalang uli si Alden bilang isa sa mga choices.

Ang GMA news anchor na si Ivan Mayrina ang nagsilbing celebrity judge sa “BJ” kung saan isa sa mga naging tanong ay kung sinu-sino sa mga artistang nasa harapan niya ang nagsimula bilang commercial model bago sumikat sa mundo ng showbiz.

Isa nga si Alden sa mga napili ni Ivan at tama naman ang kanyang naging choice. Dito na nga nagkuwento ang Pambansang Bae tungkol sa hirap na pinagdaanan niya sa mga audition sa edad na 17.

“Galing akong probinsiya, kailangan kong lumuwas ng Maynila so ‘yung pamasahe, ‘yun ‘yung number one concern.

“Not enough ‘yung sweldo ng dad ko doon sa current job na nakuha niya. Hindi na ako makahingi. Dumidiskarte ako ng sarili kong paraan para pamasahe.

“Good thing naman na may mga taong sumuporta rin sa akin, sumasama rin sa akin during those auditions,” kuwento ng Kapuso heartthrob.

Nakakasama na raw niya noon ang longtime personal assistant niyang si Mama Ten o Tenten Mendoza, at talagang effort daw kapag nagko-commute sila mula sa bahay nila sa Laguna papuntang Manila.

“Commute kasi ‘yun eh so, hindi ko makakalimutan ‘yung routine ko noon ‘pag nagko-commute ako para mag-audition.

“From bahay, magta-tricycle ako hanggang labas ng subdivision namin. Tapos magdyi-jeep ako mula Sta. Rosa hanggang Pacita.

“Tapos sa Pacita doon kami sasakay ng bus papuntang EDSA. From Pacita to EDSA, bababa kami ng EDSA Magallanes, sasakay kami ng LRT. Tapos ‘yun na, lalakarin, magta-taxi na lang kami paglabas namin,” ang pag-alala pa ni Alden sa payak niyang pinagmulan.

Inamin din ng aktor na inaatake talaga siya noon ng hiya at insecurity lalo na kapag nakikita niya ang mga kasabayan sa pag-o-audition.

Naiilang daw siya kapag may mga nakakasabay siya sa audition na ang bobongga ng mga OOTD. Hindi raw kasi siya makasabay sa pagdadamit nang bonggang-bongga.

“Ang hirap kasi tayo mga taga-probinsiya tayo. Kapag pupunta tayo sa Maynila sobrang laki ng insecurity ko sa Maynila that time. Siyempre kapag taga-Maynila ka iba ka eh. City boy ka, city girl ka. Ako noong time na ‘yun, sobrang insecure ako sa sarili ko.

“And at the same time, kapag may mga ganoon akong nakakasama sa audition nakakapanliit. Alam mo sa sarili mo na taga-probinsiya ka. Ano bang laban ko dito?” lahad ni Alden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero mas tinatagan pa raw niya ang kalooban at kinapalan ang mukha sa mga audition hanggang sa mapili na nga siya para sa isang TV ad ng isang brand ng vitamins.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending