Moira niregaluhan ng PS5 ang asawa: Happy 2nd anniversary to my best friend, I love you!
GULAT na gulat at natulala ang asawa ni Moira dela Torre nang makita ang bonggang sorpresa sa kanya ng singer-songwriter.
Niregaluhan kasi ng award-winning Kapamilya singer ang mister na si Jason Marvin Hernandez ng pinag-uusapan ngayon ng mga gamer na PS5 para sa kanilang second wedding anniversary.
Sa kanyang social media account, nag-post si Moira ng video clip kung saan ipinakita niya ang tweet ng asawa ilang buwan na ang nakararaan na tinutukso ang itsura niya habang nagpe-perform on stage. Sinagot naman niya ito ng, “Hindi nga tayo bibili ng PS5.”
Kuwento ni Moira, kontra siya noon sa pagbili ni Jason ng nasabing gaming gadget ngunit pumayag din siya nang ma-realize na minsan lang namang magkaroon ng interes sa mga ganitong bagay ang asawa.
Ngunit nagdesisyon daw si Jason na hindi na bumili ng PS5 nang tamaan ng sunud-sunod na kalamidad ang bansa nitong mga nakaraang buwan. Mas pinili raw nitong mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo.
Sa video na ibinahagi ni Moira sa socmed, makikita ang isang box na naglalaman nga ng nasabing gaming console, “So, it’s our anniversary and this came in. We’re going to hide it in the Ottoman.”
Aniya pa, “When I gave him my blessing to get a PS5, he said he didn’t want it anymore and that he’d rather donate the money to the families affected by the storm.”
At nang makita na nga ni Jason ang regalo sa kanya ng asawa, bigla itong matulala at napaupo sa sahig. Ilang minuto rin itong hindi nakapagsalita.
Sey pa ng singer-songwriter, naisip niyang sorpresahin si Jason dahil deserving naman ito na makatanggap ng regalo na matagal na niyang gusto, “He’s been working so hard and has been so selfless this entire pandemic.”
Sa bandang ending ng video, binati ni Moira ang kanyang hubby na yumakap naman sa kanya ng sobrang higpit. Nilagyan pa niya ito ng caption na, “Happy 2nd anniversary to my best friend. I love you.”
Ikinasal sina Moira at Jason noong 2019. Dati silang mag-best friend na nagkainlaban hanggang sa magdesisyon na ngang bumuo ng sarili nilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.