Derrick ikinumpara sa 'anghel' si Bianca; foreign girls nabighani kay Jong Madaliday

Derrick ikinumpara sa ‘anghel’ si Bianca; foreign girls nabighani kay Jong Madaliday

Ervin Santiago |January 13,2021
share this

Derrick ikinumpara sa ‘anghel’ si Bianca; foreign girls nabighani kay Jong Madaliday

Ervin Santiago | January 13,2021 - 01:32 PM

IKINUMPARA ng Kapuso hunk na si Derrick Monasterio sa isang anghel ang kagandahan ni Bianca Umali.

Magtatambal ang dalawa sa upcoming Kapuso drama series na “Legal Wives” na pagbibidahan ni Dennis Trillo.

Sa panayam ng GMA 7 natanong si Derrick kung ano ang favorite scene niya sa serye na kasama si Bianca at kung ano ang naging feeling niya nang magkita na sila ni Bianca sa taping.

“Actually, our first meeting. Kasi ako na-envision ko talaga ‘yung character ko as someone na naive, medyo meek.

“So the first meeting, I believe na siya talaga ‘yung character niya and ako talaga ‘yung character ko,” sagot ni Derrick.

Aniya pa, “So it’s like seeing an angel for the first time. You know, Bianca has a really beautiful face and a very talented actress.

“So for me nakita ko talaga ‘yung parang ‘Oh, ang ganda nito ah.’ Ganu’n. Immediate love at first sight,” pag-amin ng hunk actor-singer.

Sa kuwento ng “Legal Wives”, gaganap si Derrick bilang isang Katoliko, na mai-involve sa karakter ni Bianca na si Farrah, na isa namang Muslim.

Ipakikita sa Kapuso series na ito ang kultura ng mga Muslim sey nu Derrick, “Matutunan niyo ‘yung family ethics ng Muslim, ‘yung idiosyncrasies ng Muslim love, forbidden love between Muslim and Catholic, ‘yung dynamics, makikita niyo lahat ‘yan.

“Matutunghayan n’yo ito first quarter of this year. Pinaghandaan namin ito, this is a very well-researched show,” dagdag pa ng Kapuso hunk.

                         * * *

Hindi makapaniwala ang Kapuso singer na si Jong Madaliday na napansin siya ng Danish singer-songwriter na si Maximillian.

Ang hit song ng foreign singer na “Beautiful Scars” kasi ang inawit ni Jong sa mga babaeng nakikilala niya sa online chat website na Omegle para sa isang vlog. Komento ni Maximillian sa Facebook post ng “The Clash” alumnus, “Thanks for singing my song.”

Makikita sa nasabing vlog na humanga sa magandang boses ni Jong ang random foreign girls na kanyang hinarana.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit one million views ang nakakaaliw na vlog sa Facebook page ni Jong. Mapapanood din ito sa YouTube channel ng Kapuso performer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending