Tatay ni Gladys inatake sa puso: Thanks to our dear God, naka-recover siya na parang walang nangyari

Tatay ni Gladys inatake sa puso: Thanks to our dear God, naka-recover siya na parang walang nangyari

Ervin Santiago |January 13,2021
share this

Tatay ni Gladys inatake sa puso: Thanks to our dear God, naka-recover siya na parang walang nangyari

Ervin Santiago | January 13,2021 - 01:08 PM

ISINUGOD sa ospital ang tatay ni Gladys Reyes matapos makaramdam ng matinding paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

Ayon sa mga doktor na nagbigay ng agarang lunas at nagsagawa ng check-up sa ama ng aktres na si Sonny, nagkaroon nga ito ng heart attack.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Gladys ang mga nangyari bago pa dinala ang ama sa ospital. Aniya, talagang nataranta silang lahat nang bigla siyang tawagan ng kapatid.

Abot-langit naman ang pasasalamat niya sa Diyos dahil naagapan agad ang kundisyon ng kanyang tatay.

“God is good.. Yesterday was challenging, my papa had a severe chest pain, my sister rushed him to the hospital, we just followed. Thanks to our dear God, my father was able to recover, as if nothing happened.

“But the doctors confirmed, he had an attack. He’s still confined for some tests and had another chest pain again 2am this morning,” ang caption ng magaling na kontrabida sa mga teleserye at pelikula.

Ang nakakalungkot lang daw sabi ng aktres, hindi nila maaaring bisitahin ang kanilang tatay dahil sa ipinatutupad na istriktong COVID-19 protocols sa mga ospital.

Wala naman daw silang magawa kundi ang sumunod sa mga patakaran, “I am a certified Papa’s girl and what saddens me is that we are not allowed to visit him, according to the hospital rules, due to pandemic.

“Kept telling him, his grandchildren need him, to help us, guide them. To spend more bonding moments with him.

“Praying for his total recovery. Grateful to my husband, cousins and sister for being with me yesterday,” lahad pa ni Gladys.

Sunud-sunod naman ang natanggap na mensahe ng pamilya ni Gladys mula sa mga netizens na nagsabing ipagdarasal nila ang mabilis na pagggaling ng kanilang ama.

May mga kaibigan din ang aktres na nag-post ng comment sa IG ni Gladys kabilang na ang isa sa mga BFF niyang si Judy Ann Santos.

Pahayag ni Juday, “Rest well and recover soon tito!”

Komento naman ni Eugene Domingo, “Get well soon po!”

Nag-comment din si Angelu de Leon sa nangyari sa tatay ni Gladys, aniya, “Praying for Daddy’s complete recovery in Jesus’ name.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending