Ilang siyudad sa Metro Manila, nagsimula nang bumili ng bakuna vs Covid-19 | Bandera

Ilang siyudad sa Metro Manila, nagsimula nang bumili ng bakuna vs Covid-19

Erwin Aguilon - January 12, 2021 - 10:13 AM

Reuters

Nagmamadali na ang lahat upang makakuha ng bakuna kontra sa Covid-19.

Kaya naman ang mga mayayamang lungsod lalo na sa Metro Manila ay kanya-kanya nang pagbili ng bakuna.

Ang Lungsod ng Pasig, ayon kay Mayor Vico Sott, omorder na ng 400,000 doses ng bakuna mula sa AstraZeneca na nagkakahalaga ng P100 milyon.

Sinabi nito na araw ng Linggo sila lumagda kasama ang ilang mga local government unit at national government ng tripartite agreement sa British-Swedish pharmaceutical firm.

Bukod pa aniya ang nasabing doses sa ipagkakaloob ng pamahalaang nasyunal at ang bibilhin nila sa iba pang vaccine manufacturer.

Sa phase 1 ng vaccination program, ang medical frontliners ang makikinabang habang ang mga senior citizen at persons with disabilities sa Phase 2.

Libreng ipamamahagi ang bakuna sa mga taga-Pasig.

Hinimok naman ni Sotto ang publiko na maniwala sa mga eksperto na nagsabi na ligtas ang bakuna.

Sa Facebook post naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, 100,000 doses ng COVID-19 vaccines mula AstraZeneca ang nakatakdang bilhin.

Sabi ni Tiangco na 50,000 residente ang unang mababakunahan oras na dumating ito sa ikalawang bahagi ng kasalukuyang taon.

Nauna nang sinabi ng alkalde na naglaan ang lungsod ng P20 milyon upang ipambili ng bakuna pero maaari pa itong itaas.

Sa Makati, sinabi ni Mayor Abby Binay na bibili ang lungsod ng isang milyong doses ng bakuna sa AstraZeneca para sa lahat ng kanilang residente, maging sa non-resident property and business owners sa lungsod.

Magsasagawa din aniya ang lungsod ng information campaign ukol sa bakuna para mawala ang duda ng publiko.

Sinabi rin nito na isinasapinal pa nila ang kasunduan sa ibang vaccine manufacturers.

Target ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng 100 percent vaccination sa Makati.

Ang Lungsod ng Caloocan, lumagda rin si Mayor Oscar Malapitan sa kasunduan sa AstraZenica para makabili ng 600,000 bakuna kontra COVID-19.

Sa Facebook post ng Manila City PIO, lumagda rin ang lungsod ng kasunduan sa AstraZenica upang bumili ng 800,000 bakuna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending