Mga sasakyan nilamon ng sinkhole sa carpark ng ospital sa Italy | Bandera

Mga sasakyan nilamon ng sinkhole sa carpark ng ospital sa Italy

- January 10, 2021 - 09:57 AM

Ang aerial view ng sinkhole sa carpark ng Ospedale del Mare sa Naples, Italy. (AFP)

ROME–Inilikas ang mga pasyente sa isang ospital sa siyudad ng Naples sa timog na bahagi ng Italy nitong Biyernes matapos na ang malaking bahagi ng carpark nito ay biglang lumubog.

Walang nasaktan sa insidente bagama’t ilang sasakyan ang nawasak matapos mahulog sa sinkhole na may sukat na 500 metro kwadrado (5,400 square feet), ayon sa mga rumespondeng bumbero.

Naputol ang suplay ng tubig at koryente sa Ospedale del Mare.

Ayon kay Vincenzo De Luca, pinuno ng rehiyon ng Campania na kinabibilangan ng Naples, na “maswerte na rin na hindi ito lumikha ng pinsala sa sistema ng engineering (ng ospital) at lalupa sa buhay ng mga tao.”

Sinabi niya na “hydro-geological” ang sanhi ng biglang paglubog ng lupa.

Ang Ospedale del Mare ay sentrong medical facility na pinagdadalhan ng mga pasyenteng may sakit na coronavirus sa unang bahagi ng pananalasa ng pandemya sa Italya noong nakaraang taon. Nitong Biyernes, anim lamang na may Covid-19 ang nasa ospital.

Pansamantalang isinarado ang ward section nito dahil walang suplay ng tubig at elektrisidad.

Mula sa ulat ng Agence France-Presse
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending