Banat kay Toni: Wag mong insultuhin ang mga Kapamilya na lumaban pero nawalan pa rin ng trabaho | Bandera

Banat kay Toni: Wag mong insultuhin ang mga Kapamilya na lumaban pero nawalan pa rin ng trabaho

Reggee Bonoan - January 05, 2021 - 04:09 PM

MARAMING netizens ang umalma nang nakiusap si Toni Gonzaga-Soriano sa publiko na huwag i-bash si Russu Laurente, ang ikalawang evictee sa “Pinoy Big Brother Connect”.

Si Russu ang housemate na umaming sumuporta noon sa panawagang huwag nang bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Inamin naman ni Russu ang pagkakamali at humingi ng tawad kay Big Brother at sa lahat ng Kapamilya na nasaktan niya.

Iyak nang iyak si Russu nang lumabas na siya ng PBB House at naantig ang puso ni Toni kaya nag-post siya sa kanyang Instagram account at nakiusap sa publiko na intindihin ang pinanggagalingan ng binata.

Post ni Toni, “Back to work this 2021. For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done.

“People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken.

“He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. And now that he knows better, He will do better. May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be.

“I hugged the boy after the show and he kept apologizing. Forgiveness is a gift everyone deserves. #sundayrealization2021.”

Nag-tweet din ang Carlos Palanca at Gawad Urian awardee na si Jerry Gracio tungkol sa ginawa ni Toni.

Ayon kay Jerry, “Toni, libo ang Kapamilya natin na nawalan ng hanapbuhay. Ano ang karapatan mong mag-sorry sa ngalan ng isang housemate na pumabor sa pagsasara ng ABS-CBN?

“‘Wag mong insultuhin ang mga Kapamilya na lumaban pero nawalan pa rin ng trabaho, di tulad mo na may trabaho pa rin ngayon.”

Ipinagtanggol naman ni @ishle4 si Toni kay Jerry, aniya, “Russu is wrong, yes indeed! But there is always room for humanity (said Robi Domingo) and forgiveness (said Toni Gonzaga). Huwag na tayong gumaya sa totoong may kasalanan ng pagapapasara ng ABS CBN! Huwag tayong mawalan ng puso dahil sa pagkakamaling nagawa dati ng isang tao!”

Hindi naman ito pinalampas ni Jerry at sinagot ang nasabing netizen, “Pero di dapat lumimot ang puso. Nagpapatawad pero hindi lumilimot. Walang saysay ang puso na nagpapatawad sa mga di humihingi ng tawad; hungkag ang puso na di naghahangad ng katarungan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Actually, may mga nakausap kaming dating Kapamilya employees na hindi naman sumama ang loob sa sinabi ni Toni dahil alam nila kung saan ito nanggagaling lalo’t Christian ang wifey ni Direk Paul Soriano kaya ini-encourage niya ang publiko na patawarin ang taong nagkamali na humingi naman ng tawad.

“Pero siyempre doon tayo sa reyalidad, wala kaming trabaho ngayon, so paano, di ba? Totoo rin naman ang sinabi ni sir Jerry na libo ang nawalan ng work, e, si Toni may work kahit pa sabihing kalahati ang kaltas sa suweldo nila, ang punto, may work siya,” pahayag pa ng aming kausap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending