Resbak ni Sunshine sa basher ni Macky: Kalbo siya pero mas edukado at gwapo siya sa ‘yo
PINATULAN ng Kapamilya actress na si Sunshine Cruz ang bastos na netizen na nang-okray sa boyfriend niyang si Macky Mathay.
Hindi pinalampas ni Sunshine ang pagtawag ng isang Facebook user ng “kalbo” kay Macky pati na ang malisyosong komento nito patungkol sa kanyang karelasyon.
Nag-post ang aktres sa Facebook ng mga litrato na kuha sa pagsalubong nila ng kanyang pamilya sa 2021 at kasama nga nila rito si Macky.
“Happy New Year guys! I share my photos pampa good vibes. If you find my posts offensive you can unfollow or just ignore it. 2021 na po.
“Let’s try to be better people. Artista po ako pero hindi po ibig sabihin may karapatan ang iba na bastusin ako o kami dahil wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko,” ang mensahe Sunshine.
Maraming bumati ng “Happy New Year” kay Shine pero may isa ngang netizen ang nagkomento ng, “Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar montano dahil pala nyan ni kalbo dako man gud guro na bunal (Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar montano dahil pala nyan ni kalbo malaki siguro ang sandata niyan).”
Banat naman sa kanya ni Sunshine, “I share my photos hindi para bastusin mo lang. 3 taon na kaming hiwalay ni Cesar ng makilala ko si Macky.
“Opo kalbo sya pero palagay ko mas edukado at gwapo sya sayo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”
Maraming beses nang ipinagtanggol ni Sunshine ang boyfriend sa mga bashers na walang ginawa kundi manira at mam-bully ng kapwa. At ganu’n din naman si Macky, talagang kinakastigo rin nito ang mga nambabastos sa aktres.
Sa isang panayam, sinabi ni Sunshine na napakaswerte niya sa pagkakaroon ng karelasyong tulad ni Macky na 100% ang suporta at tiwalang ibinibigay sa kanya.
“Importante si Macky sa akin, hindi lang inspirasyon ang nabibigay niya sa akin, kundi suporta rin at pagmamahal hindi lang para sa akin, kundi para rin sa mga anak ko.
“I am very blessed to have someone like him na hindi lang ako ang tanggap, kundi pati mga anak ko,” pahayag pa ng ex-wife ni Cesar Montano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.