Catriona blooming, fresh-looking sa bagong IG post mula sa America
Kasalukuyang nasa Ohio, USA pa rin ang mag-sweetheart na sina Sam Milby at Catriona Gray base na rin sa post ng 2018 Miss Universe sa kanyang Instagram nitong Enero 1.
Naka-sweatshirt si Catriona ng fuchsia at white pants habang nasa gitna ng snow. Ang caption niya sa kanyang picture, “Woke up with hope in my heart. 🌸 Goodmorning 2021.”
Halatang nakapahinga ang dalaga dahil fresh-looking at sa tingin namin ay nagdagdag siya ng timbang.
Napansin din ito ni @airascan, “Ang ganda. Ang Blooming. Ang fresh. Ang youthful ng mukha.”
At dahil hindi nakikita si Sam sa mga post ng dalaga kahit alam naman magkasama sila ay tinanong ni @catherine_doria_soriano17, ‘’Where is Sam? love you both.”
Nagpahayag din ng suporta si @clark_kean, “Hoping and praying for good and healthy 2021 to you and family! Stay happy and in love! We love catsam here in New Jersey hoping to see you guys! @samuelmilby @catriona_gray.”
Samantala, kaarawan ni Catriona sa Enero 6, Miyerkoles dito sa Pilipinas, at ang tanong, sa Ohio kaya niya ise-selebra ang kanyang 26th birthday?
Anyway, may inihanda naman ang programang Sunday Noontime Live sa TV5 para sa birthday celebration ni Catriona bukas, Linggo, at na-tape na ito bago siya lumipad ng Amerika noong Disyembre.
Ang SNL ay produced ng BrightLight Productions at Cornerstone Studios.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.