Giselle Sanchez waging Noble Queen of the Universe Int’l 2020: tuloy ang pagtulong sa mga ‘homeless Pinoy’
KABOG! Winner na winner si Giselle Sanchez bago magtapos ang 2020 matapos makoronahang Noble Queen of the Universe International kahapon.
Ginanap ang grand coronation para sa ikalawang edisyon ng pageant via Zoom dahil pa rin sa ipinatutupad na community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa korona at titulo, tumanggap din ng special awards ang TV host-comedienne — ang Noble Queen of Social Media at Noble Ambassadress of Humanity.
Binati rin ni Giselle ang mga kapwa niya winner sa nasabing pageant kabilang na sina Miss USA Southern California Maegan Camaisa (Noble Queen Universe); Miss India Aditi Ahuda (Noble Queen Globe); Miss USA West Coast Janine Streetman (Noble Queen Tourism); at Miss USA Mainland Rhonda Renee Swan (Noble Queen Earth).
Ibinahagi naman ni Giselle sa kanyang Instagram ang good news kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya.
“I did it!
“Sixteen family-oriented women with advocacies all over the world fought for the five crowns, and I am so blessed to have brought home one for the Philippines.
“This is my final takeaway for 2020 and I thank God and the entire Philippines who supported me in my journey.
“I also would like to thank everyone who supported me in social media as I am also the winner of the Noble Queen of social media and noble ambassadress of humanity,” aniya sa caption ng ipinost niyang mga litrato na kuha sa katatapos lang na pageant.
Kuwento ni Giselle, nakumbinsi siya ng aktres na si Patricia Javier na siyang kinoronahang Noble Queen Universe 2019 na mag-join sa pageant dahil maaari raw niya itong magamit bilang platform para makakuha ng mas maraming donor sa kanyang advocacy — ang makatulong sa mga pamilyang walang tahanan.
“And now, in a few days I will be blessing a newly constructed home for a homeless family courtesy of the Noble Queen franchise.
“I am so blessed that I have found this sisterhood who has fully supported my advocacy to help the homeless and provide food, shelter and sustainable livelihood for them,” pahayag pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.