Andrew E umaming nagkasakit sa panahon ng lockdown: Ang lakas ko nasa 30% na lang... | Bandera

Andrew E umaming nagkasakit sa panahon ng lockdown: Ang lakas ko nasa 30% na lang…

Ervin Santiago - December 30, 2020 - 11:45 AM

KUNG may isang life lesson na natutunan ang OPM icon at komedyante na si Andrew E ngayong panahon ng pandemya, yan ay walang iba kundi ang tamang pag-aalaga sa kalusugan.

Bago pa pala nagsimula ang community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic ay nagkaroon na ng health problem si Andrew E na talagang nagpamulat sa kanya kung gaano kaimportante ang regular na pagpapa-check-up.

“Last February, nagkaroon ako ng cholesterol blockade. Mapalad, napakabait ng Panginoon na na-guide ako, made me strong, and hindi ako binawasan ng tapang,” kuwento ng veteran comedian-rapper sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

Aniya, talagang kinarir niya ang pagbabawas ng timbang para mas mabilis siyang maka-recover sa kanyang karamdaman.

Nitong mga nagdaang buwan daw ay talagang humina ang kanyang resistensiya, “Kunwari itong guesting na ito ay nangyari four months ago, ako magsasabi sa inyo na baka hindi muna ako mag-guesting.

“Kasi ang lakas ko is like 30% lang talaga. Kapag hahawak sa rail, ang kailangan ko dalawang kamay (nakakapit),” lahad ni Andrew.

Kaya naman malaking tulong din daw na nasa bahay lang siya kasama ang pamilya nitong panahon ng lockdown dahil naging tuluy-tuloy ang kanyang pagpapagaling — walang stress at walang pressure.

“So from 30% now ay 90% to 95%. Kaya nga ‘magandang buhay,'” masayang pahayag ng singer-songwriter.

Samantala, ngayong panahon ng health crisis at matapos ang sunud-sunon na kalamidad at pagsubok na naranasan ng mga Filipino sa taong 2020, napatunayan ni Andrew ang kahalagahan ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit.

“The more na na-realize mo na dito sa larangan ng ginagawa mo, it’s more about like, you know, looking towards other people. For you, ang value ng maliit na bagay ay ‘yun pala ay sobrang laki para sa ibang tao,” pahayag ng komedyante.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nakinig at sumuporta sa pinakabagong kanta niyang “Tamang Tama.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, nakakuha na ito ng mahigit dalawang milyong views simula nang ilabas niya ito sa kanyang YouTube channel last month.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending