'Sheryl Cruz nabuntis daw ni Jeric Gonzales'...fake news; GMA sunud-sunod ang pasabog sa 2021 | Bandera

‘Sheryl Cruz nabuntis daw ni Jeric Gonzales’…fake news; GMA sunud-sunod ang pasabog sa 2021

Ervin Santiago |December 30,2020
facebook
share this

‘Sheryl Cruz nabuntis daw ni Jeric Gonzales’…fake news; GMA sunud-sunod ang pasabog sa 2021

Ervin Santiago - December 30, 2020 - 09:30 AM

BUNTIS nga ba ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz? At totoo nga ba ang kumakalat na tsismis na ang leading man daw niya sa isang teleserye ng GMA na si Jeric Gonzales ang ama?

May mga chika kasi na tinotoo na umano ng dalawang bida ng Kapuso series na “Magkaagaw” ang kanilang relasyon kaya magdyowa na raw sila sa totoong buhay.

Pero sa isang panayam, mariin itong itinanggi ni Sheryl. Natawa lang siya nang mabalitaan ang chika sa kanila ni Jeric at ipinagdiinan na magkatrabaho at magkaibigan lang sila ng hunk actor.

“I just came back from a lock-in taping of ‘Magkaagaw’ and got my period on the second week of the taping, so that’s my answer.

“And if the tsismis is true, wow, ang ganda o ang gwapo siguro ng magiging anak namin,” ang pahayag ng aktres sa nasabing panayam.

Dagdag pa ni Sheryl, hindi niya itatago sa publiko sakaling magkaroon uli siya ng boyfriend.

* * *

Mas exciting ang darating na Bagong Taon dahil may mga magbabalik at may mga bago ring palabas na handog ang GMA Network.

Nitong Miyerkules (Dec. 23) ay inilabas na ang teaser plugs para sa mga magbabalik at bagong programa na hindi dapat palampasin sa GMA Afternoon Prime at GMA Telebabad.

Bagong taon, bagong hapon ang hatid ng bagong GMA Afternoon Prime line-up na pangungunahan ng inaabangang pagbabalik ng “Magkaagaw.”

Mas iinit ang hidwaan sa pagitan nina Laura (Sunshine Dizon) at Veron (Sheryl Cruz) ito ay matapos mahuli ng anak ni Laura na si Clarisse (Klea Pineda) ang relasyon nina Jio (Jeric Gonzales) at Veron.

Samantala, matutuklasan na ni Maggie (Kyline Alcantara) mula sa kanyang inang si Nolie (Mylene Dizon) ang katotohanang anak siya ni Anselmo (Zoren Legaspi) sa fresh episodes ng “Bilangin ang Bituin sa Langit.”

Magsasama-sama naman ang malalaking pangalan para sa serye na aantig sa inyong mga puso – “Babawiin Ko Ang Lahat.” Ito ang magsisilbing kauna-unahang lead role ng promising drama actress na si Pauline Mendoza kasama sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia-Lapid, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea at John Estrada.

Friendship over na nga ba para kina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo)? Abangan ang pagbabalik nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie, at Jay Manalo sa “Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday” sa GMA Telebabad.

Pakatutukan naman ang fresh episodes ng top-rating family drama series na “Love of My Life” sa GMA Telebabad. Simula noong Lunes ay napapanood na muli ang mga bida nito na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Coney Reyes sa recap ng serye.

Kaabang-abang din ang reunion nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa Kapuso rom-com series na “Owe My Love.” Makakasama nila ang mahuhusay na Kapuso stars na sina Aiai delas Alas, Ruby Rodriguez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Buboy Villar, at Kiray Celis.

Samantala, inaabangan na rin ng lahat ang fresh team up nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion para sa isa pang Kapuso rom-com series na “First Yaya” sa GMA Telebabad. Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Maxine Medina, Pilar Pilapil, Cassy Legaspi at JD Domagoso.

Isa naman sa pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group sa susunod na taon ang cultural drama series na “Legal Wives” na pagbibidahan ni Dennis Trillo. Gaganap dito si Dennis na isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang pinakamalaking pagbabalik ng mga tinutukang programa at mga bagong palabas sa GMA Afternoon Prime at GMA Telebabad ngayong 2021!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending