Kean kay Duque: Please resign, ibigay ang posisyon sa tunay na may malasakit sa Pinas
UMANI na naman ng kaliwa’t kanang batikos si Health Secretary Francisco Duque III nang magbigay ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa bagong strain ng COVID-19.
Ayon sa mga news report, ang bagong coronavirus strain ay nagmula sa United Kingdom at hindi imposibleng makapasok sa Pilipinas kung hindi raw agad magdedeklara ng malawakang travel van.
Nag-impose na ang Pilipinas ng travel ban sa mga flights mula sa UK, effective Dec. 24 to 31 pero pwede pa rim ang pagta-travel patungong UK.
Ayon kay Duque, 79 pasahero mula sa UK ang dumating sa bansa kung saan isa ang nag-positive sa COVID-19, 53 ang negative habang may ilan pang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test.
Aniya pa, wala pang mga indication na nakapasok na sa Pilipinas ang bagong COVID-19 kaya ang sabi niya kay Pangulong Duterte, “Ikunsidera lamang ang travel ban, Mr. President, kung nasa lebel na ng community transmission ang new variant sa naturang bansa.”
Dahil dito, binanatan na naman siya ng ilang Pinoy kabilang na ang singer-songwriter-actor na si Kean Cipriano. Ang kanilang punto, kailangan pa bang hintayin na magkaroon ng community transmission bago kumilos ang gobyerno?
Sa kanyang Twitter account, nanawagan si Kean na mag-resign na ang health official at ibigay na lang ang kanyang posisyon sa taong mas karapat-dapat.
“Sec. Duque is too incompetent to be trusted with such an important responsibility at a very delicate situation.
“Please resign. Give the position to someone who truly cares for the nation.
“Filipino lives are on the line. Please step down,” tweet ng asawa ni Chynna Ortaleza.
Nauna rito, inalmahan din ni Kean at ng iba pang celebrities ang ginawang pag-iikot ni Duque sa BGC, Taguig para personal na paalalahanan ang mga naroon na huwag kalimutan ang social distancing at ang pagsusuot ng face mask at face shields.
Komento ng mga nakapanood sa viral video ng opisyal ng DOH, sa halip daw na asikasuhin niya ang pagkuha ng bakuna kontra COVID ay gumagawa lang ito ng pang-press release sa social media.
“Malala na talaga dito satin.
“Yung ibang bansa, Busy sa pag asikaso ng vaccine at kung paano masosolusyonan yung pandemic.
“Si Sec. Duque nagsusukat ng social distancing. Para san? Para may pang post sa social media?
“Aren’t you supposed to do bigger moves for the country?” tweet ni Kean.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.