Kim, Xian nagpakaligaya sa Bora; nag-wish para sa pagpasok ng 2021
NAGPAPAKALIGAYA ngayon ang Kapamilya couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang holiday vacation.
Nagbabakasyon ngayon ang magdyowa sa isla ng Boracay kasama ang pamilya ni Kim, at mukhang talagang sinusulit nila ang ilang araw na day off mula sa kanilang super busy schedule.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng TV host-actress ang ilang litrato niya sa Bora habang ine-enjoy ang beach at iba pang tourist spots sa isla.
Ayon pa sa dalaga, ito ang unang pagkakataon na makakalabas siya ng Maynila matapos ang 10 buwang lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
“First time to ride a plane since lock down, after 11 months,” simulang mensahe ni Kim sa caption na inilagay niya sa mga litrato nila ni Xian witn her family.
Sabi pa ng dalaga, “It felt a little different, good thing @airasia made sure everything is clean and safe.” Dagdag pa niya talagang ipinatutupad ng nasabing airline ang lahat ng health protocols para masigurong ligtas ang kanilang biyahe.
Sabi pa ni Kim, sasamantalahin din niya ang pagkakataong ito para magmuni-muni sa lahat ng mga nangyari sa kanyang buhay ngayong 2020 at para paghandaan na rin ang pagdating ng Bagong Taon.
“Five more days. We will welcome another year! Hoping and praying that it will be a lot better for all of us,” sabi pa ng aktres.
Sa IG naman ni Xian, ilang litrato rin nila ni Kim ang ibinahagi niya sa kanyang followers, kabilang na ang kanilang photos sa harap ng sinakyan nilang eroplano.
Sa isang panayam, sinabi ni Kim na mas lalong pinatatag ng lockdown ang relasyon nila ni Xian at umaasa silang pareho na pang-forever na rin ang kanilang pagmamahalan.
Sabi nga niya sa isang IG post niya para kay Xian, “2020 is a tough year, full of uncertainty and worries. I just want to say thank you for existing! Thank you for always putting a smile on my face, for being you and for never getting tired of listening to me. No extended captions just want to say thank you, always!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.