Ivana mala-prinsesa ang Christmas birthday paandar; Angeline emosyonal sa unang Paskong wala si Mama Bob | Bandera

Ivana mala-prinsesa ang Christmas birthday paandar; Angeline emosyonal sa unang Paskong wala si Mama Bob

Ervin Santiago |December 26,2020
facebook
share this

Ivana mala-prinsesa ang Christmas birthday paandar; Angeline emosyonal sa unang Paskong wala si Mama Bob

Ervin Santiago - December 26, 2020 - 03:28 PM

NAGING emosyonal na naman si Angeline Quinto sa kanyang Christmas message para sa yumaong inang si Mama Bob.

Ito ang unang Pasko ng Kapamilya singer-actress na wala ang kanyang nanay kaya naman ramdam na ramdam niya ang kalungkutan ngayong holiday season.

Nag-post si Angeline ng litrato nila ni Mama Bob sa Instagram at nilagyan ng caption na, “Ito ang unang Pasko na wala ka, Ma.”

“Ibang iba ang pakiramdam pero sa 30 years ng buhay ko na kasama kita walang patlang ang pagmamahal na pinaramdam mo sa akin,” mensahe pa ni Angeline.

Aniya pa, “Wala akong lubos na ipinagpapasalamat sa Panginoon, kundi ang pagtatagpo nating dalawa nung sanggol pa ako. Ikaw ang buhay at mundo ko, Mama Bob.”

Payo pa ng dalaga sa lahat ng mga anak, “Maligayang Pasko, Ma, dyan sa langit. At sa inyo pong lahat, kamag anak ko, katrabaho, kaibigan, yakapin niyo po nang mahigpit ang mga nanay niyo.

“Lagi niyong ipaalala sa kanila na Mahal na mahal niyo sila. Merry Christmas,” sey pa ni Angeline.

* * *

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang Instagram post ng sexy star-vlogger na si Ivana Alawi para sa kanyang birthday kahapon, mismong Christmas Day.

Nagkakaisa ang mga followers niya sa IG sa pagsasabing nagmistulang prinsesa ang sikat na sikat na YouTuber sa bongga niyang pink gown.

“Born on this special day. Merry Christmas everyone!” caption ni Ivana.

Bago ito, naging makabuluhan ang pagse-celebrate ni Ivana nang umabot na sa 10 million ang subscribers niya sa YouTube.

Sa halip na bumili ng materyal na bagay para sa kanyang sarili, mas pinili niya ang mamigay ng Christmas basket sa mga taong lansangan with matching P10,000 in cash pa cash.

Bukod dito, magbibigay din siya ng 10 two-year college scholarships sa mga deserving na subscriber niya sa YouTube.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayoko talaga gumastos ng malaki para sa celebration. Kung pwede naman natin itulong sa mga taong nangangailangan ngayon. Kahit nga birthday ayoko nga eh,” pahayag ni Ivana sa kanyang “10 Million Subs + Giveaway” vlog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending